Pagkamatay ng Hong Kong-American pop singer Coco Lee ikina-shock ng Pinoy fans; inatake raw ng matinding depresyon | Bandera

Pagkamatay ng Hong Kong-American pop singer Coco Lee ikina-shock ng Pinoy fans; inatake raw ng matinding depresyon

Ervin Santiago |July 06,2023
facebook
share this

Pagkamatay ng Hong Kong-American pop singer Coco Lee ikina-shock ng Pinoy fans; inatake raw ng matinding depresyon

Ervin Santiago - July 06, 2023 - 11:22 AM

Pagkamatay ng Hong Kong-American pop singer Coco Lee ikina-shock ng Pinoy fans; inatake raw ng matinding depresyon

Coco Lee

SHOOKT ang mga Pinoy fans nang mapabalitang patay na ang Hong Kong-American pop singer na si Coco Lee. Siya ang 48 years old.

Ayon sa ulat, sumakabilang-buhay ang international singer kahapon, July 5, ilang araw ang lumipas mula nang isugod sa ospital matapos umanong magtangkang saktan ang kanyang sarili noong Linggo.

Batay sa naging pahayag ng pamilya ni Coco inatake raw ng matinding depresyon ang singer-songwriter at nang medyo lumalala na ang kanyang kundisyon ay nagdesisyon nang magpagamot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CoCo Lee (@cocolee)


Ngunit hindi na nga nito nakayanan ang pinagdaraanang mental health problem kaya tinangka ngang saktan ang sarili. Naisugod pa siya sa ospital ngunit na-comatose hanggang sa malagutan na nga ng hininga makalipas ang tatlong araw.

Sabi ng mga kapatid niyang wina Carol at Nancy Lee sa kanilang Instagram accounts, “Her condition deteriorated drastically over the last few months.

“Despite the best efforts of the hospital team to rescue and treat her from her coma, she finally passed away on 5 July, 2023,” anila pa.

Baka Bet Mo: Moira nakitira sa condo ni Sam nang tamaan ng matinding depression

Nakilala si Coco sa kanyang mga hit songs na “A Love Before Time” na ginamit na theme song sa pelikulang “Crouching Tiger, Hidden Dragon” taong 2001 at “Before I Fall In Love” na ginamit naman sa Hollywood movie na “Runaway Bride.”

Si Coco rin ang kumanta ng Mandarin version ng kantang “Reflection”, ang themesong ng Disney film na “Mulan”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CoCo Lee (@cocolee)


Nitong nagdaang March, nabanggit ni Coco sa kanyang social media account na nag-aaral siyang maglakad muli matapos sumailalim sa surgery dahil sa kanyang leg injury.

“Successful surgery. Even though I’m in a lot of pain and I have to re-learn how to walk again, I know I can do it. Yes I can and I will!” sey ni Coco.

Ayon pa sa mga kapatid ni Coco, ngayong 2023 ipinagdiriwang ng singer ang kanyang 30th anniversary sa music industry.

“We are thankful to God for giving us such a kind angel. Although CoCo stays in the world for not long a time, her rays of light will last forever!” mensahe pa kanyang mga naulilang kapatid.

Bangs Garcia inatake ng matinding depresyon sa UK: Na-realize ko hindi ako puwedeng maging housewife talaga…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carlo Aquino sigurado nang si Charlie Dizon ang ‘the one’; umaming inaatake rin ng anxiety, depresyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending