KZ #shookt sa alok ng Disney: Totoo po ba? Baka nagkamali lang po ng send ng message?!
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si KZ Tandingan na siya ang napiling kumanta ng kauna-unahang Filipino song ng Disney.
Dream come true nga itong maituturing para sa Kapamilya singer na bata pa lang ay talagang nangarap ding maging Disney princess.
Kamakailan ay ibinandera nga ng Disney Philippines ang pagkakapili kay KZ para magbigay-boses sa kantang “Gabay” na tampok sa bagong epic adventure film na “Raya and The Last Dragon.”
“Parang lahat naman yata tayo lumaki o tumanda na nanonood talaga ng Disney movies. Lalo na sa little girls at little boys.
“Parang lahat tayo nangangarap sana someday ay puwede akong maging princess ganito or prince charming ganito,” pahayag ng singer-actress sa panayam ng “Magandang Buhay” na natanong nga kung pinangarap din niyang makakanta ng Disney song.
Isa sa mga favorite Disney Princess ni KZ ay si Mulan dahil bilib siya sa tapang at paninindigan nito sa buhay. Kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa bagong karangalan na natanggap niya.
Sabi pa ni KZ, nu’ng una nga raw na ialok sa ang first Tagalog Disney song na “Gabay.”
“They said they wanted me to do it. Noong una nga medyo ‘totoo po ba? Baka nagkamali lang po ng send ng message.’ Kasi hindi ba parang I don’t sound like the singers who are often chosen.
“Last year nangyari ‘yung coordination and everything. ‘Yun nga ‘di ako makapaniwala, hindi ako ‘yung usual type of artist na i-expect mo na kakanta,” aniya pa.
Ngayong araw nakatakdang i-release sa iba’t ibang digital streaming platform ang “Gabay.”
“Sana po suportahan niyo po kasi this is history. We are making history as Filipinos na mayroon na tayong sariling Disney song. Sana po ay suportahan nating lahat,” chika pa ni KZ Tandingan.
Nauna rito, naglabas na rin ng saloobin si KZ tungkol sa international project niyang ito, “I am very grateful and I feel very proud to be singing in my language, and show off its beauty to the rest of the world. I am proud to be part of history.
“I grew up watching Disney movies. Finally, there is a Disney Princess who I can feel a very strong connection to, and that is Raya as the first one inspired by Southeast Asia,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.