TJ Monterde humingi ng pasensiya kay KZ, walang masyadong ambag sa bahay

TJ Monterde at KZ Tandingen
MARAMING humanga sa pagpapakatotoo ng OPM hitmaker na si TJ Monterde nang mapag-usapan ang relasyon nila ni KZ Tandingan bilang mag-asawa.
Inamin ng award-winning singer-songwriter na noong nagsisimula pa lamang ang married life nila ni KZ ay talagang kulang na kulang ang naiimbag niya pagdating sa kanilang mga gastusin sa bahay.
Ngunit sa kabila nito, never ipinaramdam sa kanya ng asawa na siya ang mas kumikita ng malaki sa kanila at siya ang mas nakakapag-provide sa mga pangangailangan nila.
Sa interview ni Karen Davila kay TJ para sa kanyanc YouTube channel, nagpapasalamat siya kay KZ dahil mula noon hanggang ngayon ay buong-buo pa rin ang suporta nito sa kanya.
“May tiwala talaga siya sa akin. Noong times na kailangan na kailangan ko siya, nandoon siya,” ani TJ patungkol sa kanyang pinakamamahal na misis.
Baka Bet Mo: KZ Tandingan, TJ Monterde muling nagpakasal; sa wakas, nakasama na ang kanilang mga magulang
“There’s this time na kakakasal pa lang namin, medyo down ako sa career ko noon, wala ako masyadong trabaho.
“I asked my management to just babaan niyo na lang TF (talent fee) ko, kahit ano. I just want to be visible, I just want to be there. Kahit wala na masyadong TF, mababa lang,” pag-alala ng singer.
View this post on Instagram
“KZ, she’s always been KZ, she’s always been there (sikat). Knowing na I’m the head of the house, ako yung lalaki, I felt like I should be the provider but she never made me feel that way, not even once.
“Never ko na feel na ‘yung masabi niya sa akin na ‘ikaw naman, ikaw yung lalaki rito.’ Wala. Wala akong naramdamang ganoon. So that’s one thing I really appreciate about her,” ani TJ.
Dagdag pang pahayag ng singer-songwriter, “Minsan humihingi ako ng pasensiya. Kasi bumili kami ng bahay, wala akong masyadong ambag sa binili naming bahay.
“‘Yung sa akin lang minsan kuryente, tubig, magkano lang ba ‘yon? So parang lagi kong inaano, ‘Lord, paano ba ito pang-kuryente tubig na lang ba ako rito? Paano kaya Lord? Paano ko kaya maabot na ako naman yung magbabayad namin na monthly na malalaki o magbabayad ng kotse?’
“Pero she never made me feel that way. Lagi niyang sinasabi sa akin, ‘okay lang’ parang ‘darating ‘yung time.’ May tiwala talaga siya sa akin. ‘Darating ‘yung time, sure ako maaano mo ‘yan, bibili mo ako ng bag, bibili mo ako ng Chanel,” saad pa niya.
Hindi raw siya iniwan kahit kailan ni KZ sa kahit anong laban ng buhay, “I really felt na noong times na kailangan na kailangan ko siya ay nandoon siya. And ‘yung manner niya of handling it na never ako na-insecure.
“I mean ako ‘yung lalaki pero siya ‘yung mas ano…ito ‘yung reality lang kinukuwento ko lang just being honest, ako ‘yung lalaki pero siya ‘yung mas nagpo-provide for us during that time,” pagbabahagi pa ni TJ.
Super thankful siya kay Lord dahil sa ngayon daw ay medyo naiba na ang takbo ng kanyang buhay at career, “Parehas na kami. Nakakapag-share na ako, kahit papaano nakakapag-share na ako.
“Kasi prayer ko ‘yun nu’ng time na yun, ‘Lord, sana ako ang makapag-ano kahit monthly lang ng bahay. Ang galing ni Lord, ngayon kaya na.
“I can say I’m blessed with what I have. Thank you for believing in me from the very beginning and iyo ako palagi,” sey pa ni TJ.
Ikinasal sina TJ at KZ noong August 28, 2020 sa The Farm at San Benito, Batangas makalipas ang limang taong relasyon bilang mag-boyfriend-girlfriend.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.