KZ Tandingan hinarang ng sekyu sa sariling concert: Kulang na lang pakitaan ko si Kuya guard ng birth certificate | Bandera

KZ Tandingan hinarang ng sekyu sa sariling concert: Kulang na lang pakitaan ko si Kuya guard ng birth certificate

Therese Arceo |July 20,2023
facebook
share this

KZ Tandingan hinarang ng sekyu sa sariling concert: Kulang na lang pakitaan ko si Kuya guard ng birth certificate

Therese Arceo - July 20, 2023 - 04:25 PM

KZ Tandingan hinarang ng sekyu sa sariling concert: Kulang na lang pakitaan ko si Kuya guard ng birth certificate

ISANG nakakalokang rebelasyon ang ibinahagi ng singer at songwriter na si KZ Tandingan ukol sa isang pangyayari sa kanyang naging concert noon.

Nagkaroon kasi ng guesting ang singer sa podcast nina Antoinette Jadaone at JP Habac na “Ang Walang Kwentang Podcast” kung saan pinag-usapan nila ang mga naging concert experiences nila.

Dito nga ay naikuwento ni KZ ang is sa mga hindi niya malilimutang experience sa isa sa kanyang mga naging concert.

Aniya, nangyari ito matapos ang pasali niya sa “Singer 2018”, isang reality singing competition sa China.

“Kasagsagan ng China ko na stint noong 2018 tapos after po no’n, nag-concert po ako sa MOA Arena,” panimula ni KZ.

Pagpapatuloy niya, ” Siyempre stressed na stressed na si bakla, nagpe-prepare. Pagbaba po namin doon sa entrance ng mga artists. Di ba papasok ka doon sa parang security tapos may x-ray machine… tapos ilalagay ‘yung pangalan. Kukunin ‘yung pangalan mo… tapos bibigyan ka ng ID.”

Baka Bet Mo: KZ Tandingan, TJ Monterde hindi pa ready magka-baby; ano-ano nga ba ang natutunan sa buhay mag-asawa?

IG

Noon daw ay dumaan siya sa proseso kasama ang mga kasamahan niya ngunit oong turn na niya para magbigay ng kanyang pangalan ay wala pala ito sa listahan.

“Pumasok na lahat ng kasama ko tapos ako na, Direk. Concert ko sa MOA Arena, Supreme. Pagdating ko don, wala ‘yung pangalan ko,” kwento ni KZ.

Hinanap raw talaga niya ang kanyang pangalan sa mga listahan pero hindi niya ito makita.

“Sinabi ko sa guard, ‘Kuya, wala ‘yung pangalan ko’. [Sagot sa akin], ‘Pasensya talaga ma’am. Hindi kayo papasok,” lahad ni KZ.

Nagtawanan naman ang dalawang direktor habang ikinukwento niya ang naganap sa nakalipas na concert.

“Siyempre pumasok na ‘yung mga kasama namin. Sabi ko, ‘Kuya guard, ako po kasi ‘yung magko-concert,” sey ni KZ ngunit hindi naniwala ang security guard.

Pagpapatuloy niya, “‘Yung picture ko pa doon sa concert poster, naka-wig ako. Iba ‘yung kulay ng buhok ko. Tinitignan ni Kuya ‘yung poster tapos ‘Hindi ka talaga pwedeng pumasok, ma’am’.”

Ilang beses pa raw sinabi ni KZ na siya ang magko-concert pero ayaw talaga siyang papasukin. Ilang minuto ay bumalik ang kanyang mga road managers.

Nakipag-away pa raw ang guard dahil nga wala naman sa listahan ang pangalan niya.

“Pero na-appreciate naman namin kasi ginagawa niya ‘yung trabaho niya. Tsaka dapat nandoon talaga ‘yung pangalan ko. Bakit kasi wala ‘yung pangalan ko,” sabi ni KZ.

“Imbes na may one song na akong na-rehearse… kulang na lang pakitaan ko na si Kuya guard ng birth certificate, mga direk. Kuya guard, its me,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
KZ Tandingan laging nganga noon sa mga audition, binigyan ng ultimatum ang sarili nang sumali sa ‘X-Factor PH’

KZ Tandingan wala pang planong magka-baby; may mga panahong matagal na nawawalay sa asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending