KZ Tandingan nakasulat ng kanta nang ‘magkahiwalay’ sila ng asawa: ‘Parang nawalan ng direksyon ang buhay ko’
INAMIN ng Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan na parang nawalan ng direksyon ang buhay niya nang magkahiwalay sila ng asawang si TJ Monterde nang halos isang buwan.
Ito rin ang dahilan kung bakit nakapagsulat siya ng bagong kanta na may titulong “Dito Ka Lang” na talagang kinarir niya ang bawat lyrics at tunog.
Ibinandera ni KZ ang pagmamahal niya sa kanyang asawa sa naganap na media launch para sa “Dito Ka Lang” last Thursday, June 22, sa Academy Of Rock Studio.
Sey ng singer-songwriter, sinimulan niyang sulatin ang “Dito Ka Lang” mula nang “magkahiwalay” sila ni TJ nang one month dahil sa world tour concert nito. Aniya, ito na raw ang pinakamatagal na panahon na nagkawalay sila ng asawa mula nang maging magdyowa sila.
View this post on Instagram
“Actually, nagsimula siya chorus lang talaga. Nasa banyo ako noon nung sinulat ko yung chorus.
“Tapos pinarinig ko kay TJ, sabi ko sa kanya, ‘Feeling ko bagay ito kay ano…,’ hindi ko kasi siya talaga nakita noong una na kanta for myself, para sa ibang tao talaga siya.
“Hindi ko pa siya nu’n tinapos kasi feeling ko ang corny. Tapos itong si TJ nag-tour ng halos isang buwan sa Canada. That was the first time we were apart for almost two weeks since we started dating nine years ago.
“So, talagang noong wala siya ng isang buwan, hindi ko alam e, parang nawalan ng direksiyon yung buhay ko. Ganu’n yung feeling. Doon ko na binalikan yung kanta na parang ‘How do I feel? I miss TJ so much’ ganito-ganyan,” aniya pa.
“The song is about feeling like you don’t deserve the kind of love that you’re getting…it’s a song that I wrote for my husband.
Baka Bet Mo: KZ Tandingan laging nganga noon sa mga audition, binigyan ng ultimatum ang sarili nang sumali sa ‘X-Factor PH’
“Kasi everytime that we post something or kunwari photo together or anumang video especially on TikTok, people would always comment, ‘Sobrang suwerte naman ni KZ, anong ginawa ni KZ to deserve TJ?’
View this post on Instagram
“Meron pa nga nagsasabi sa akin na, “Sana all, prayer reveal naman diyan,’ and to be honest, I don’t know the answer to the question.
“So, binalikan ko yung kanta and then I wrote what I felt tungkol sa mga questions na yon doon sa second verse na parang people always say na you are out of my league.
“And actually I agree na feeling ko sometimes mapapatanong na lang ako na, ‘Anong ginawa ko to deserve this kind of love?’
“Kung anuman yung reason, Diyos lang yung nakakaalam, kung tsamba lang niyang naibigay sa akin, wala na pong bawian. I wouldn’t take this love for granted, parang ayon na yung message ng ‘Dito Ka Lang,'” aniya pa.
Bahagi ang “Dito Ka Lang” ng bagong full-length album ni KZ na “Soul Supremacy II” mula sa Star Music.
“I rarely write happy love songs as KZ because feeling ko dati mawawala yung pagkaastig ko. Itong song na ito is the first baby of KZ as an artist embracing what she really feels at the moment,” aniya pa.
Ito rin aniya ay tungkol sa lubos na pagmamahal na hindi niya inaasahang matanggap, “It’s about getting the love you think you don’t deserve. Parang feeling mo ‘ano bang ginawa ko to deserve this kind of love?’ And I hope for everybody to experience it.”
View this post on Instagram
Inareglo ni Theo Martel at prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang bagong kanta na may tunog soul, R&B at rap. Ipinadala pa ito sa Amerika para i-mix ng Grammy winner na si Jackie Boom at i-master ng isa pang Grammy winner na si Jett Galindo ng The Bakery LA.
Tampok sa ilalabas na music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel sina Kobie Brown at Andi Abaya. Pinag-usapan agad mula nang inanunsyo ang proyektong “Dito Ka Lang” ni KZ.
Bago ang “Dito Ka Lang,” inilabas ni KZ ang kanyang international singles na “11:59” at “Winning.” Bumida rin ang Kapamilya artist sa New York Times Square billboard noong 2021 para sa EQUAL playlist ng Spotify. Nagsilbi naman siyang isa sa mga coach ng “The Voice Kids Philippines” season 5 na umere ngayong taon.
Napapakinggan na ang “Dito Ka Lang” ni KZ sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
Resbak ni Vice Ganda sa mga tsismosa: Hiwalay na raw kami ni Ion?! ‘Tong mga damonyong ‘to!
Jodi super favorite raw ng ABS-CBN kaya sunud-sunod ang trabaho: Grabe naman, nagkataon lang siguro…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.