The Clash 2024, The Voice Kids ng GMA waging-wagi sa ratings
WAGING-WAGI sa ratings ang dalawang singing competition ng GMA 7 na nagtapos nitong nagdaang weekend – ang “The Clash 2024″ at “The Voice Kids Philippines.”
Last Saturday, December 14, naganap ang finals night ng “The Clash” season 6 hosted by celebrity couple Julie Anne San Jose and Rayver Cruz.
Ang itinanghal na grand champion ay ang Las Piñas’s Soulful Gen Z na si Naya Ambi with her winning piece “I’ll Be There” by Mariah Carey.
“I am beyond grateful for the things I’ve learned during this competition, Thank You so much!” sabi ni Naya sa kanyang social media post.
Baka Bet Mo: Rayver naghahanda na raw sa pagpo-propose kay Julie Anne?
Nagpasalamat siya sa kanyang parents na naging “source of confidence, strength, and faith” niya sa kanyang “The Clash” journey, “You are a living testimony of how the Lord has been so good to me. I love you always, Mama and Papa!”
View this post on Instagram
“I know I’ve been saying this over and over again but with the culture of love and support that we made this season, do’n palang panalo na tayong lahat,” dagdag ng dalaga.
Nakakuha ng 11.9% ang finals ng “The Clash” habang ang katapat nitong “Rainbow Rumble” ay nakapagtalaga ng 5% rating.
Last Sunday naman, December 15, napanood ang finale ng “The Voice Kids” kung saan nagwagi si Nevin Adam Garceniego mula sa Tropa ni Pablo.
View this post on Instagram
In fairness, bagong pasok pa lang na coach si SB19 Pablo pero winner agad ang kanyang pambato.
Nakakuha naman ng tumataginting na 13.6% rating ang finals night ng “The Voice Kids” habang 3.6% ang “Rainbow Rumble” at 2.4% naman ang “PBA G2.”
Papalitan ng season 3 ng action-comedy series na “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis” ni Sen. Bong Revilla ang timeslot ng “The Voice Kids” tuwing Linggo, 7:15 p.m..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.