KZ Tandingan, TJ Monterde hindi pa ready magka-baby

KZ Tandingan, TJ Monterde hindi pa ready magka-baby; ano-ano nga ba ang natutunan sa buhay mag-asawa?

Pauline del Rosario |June 23,2023
facebook
share this

KZ Tandingan, TJ Monterde hindi pa ready magka-baby; ano-ano nga ba ang natutunan sa buhay mag-asawa?

Pauline del Rosario - June 23, 2023 - 09:38 AM

KZ Tandingan, TJ Monterado hindi pa ready magka-baby; ano-ano nga ba ang natutunan sa buhay mag-asawa?

PHOTO: Instagram/@kztandingan

TATLONG taon na mula nang ikasal, inamin ng mag-asawang OPM singers na sina KZ Tandingan at TJ Monterde na hindi pa nila kering magkaroon ng anak.

Ayon sa naging interview ng ABS-CBN, sinabi ni KZ na ito ay dahil nais pa nilang ma-enjoy ang isa’t-isa bilang couple.

Kwento pa niya, wala pa silang matinong honeymoon dahil panahon ng pandemya nang sila ay ikinasal.

Puro trabaho raw ang ginawa nila kaya nais nilang lubusin ang mga panahon na silang dalawa lang muna ng mister.

“We are hoping to still enjoy our time ng together, kami lang because as you all know, we got married at the height of the pandemic and we never got a honeymoon na talagang kumbaga, aalis kami ng bansa and only focus is honeymoon,” sey ni KZ sa ilang reporters.

Baka Bet Mo: TJ Monterde may ginawa sa isang music festival na ayaw na ayaw ni KZ Tandingan

Sambit pa niya, “Lahat ng mga alis is because nag-extend kami because of work, ‘yun muna.”

“May mga pamangkin kami eh ‘yun na lang muna,” ani pa ni KZ.

Ibinahagi rin ng singer ang ilan sa mga natutunan nila matapos maging mag-asawa.

Ayon kay KZ, bukod sa ibinibigay nilang pagmamahal sa isa’t-isa ay kinakailangan din ng hardwork at maging mindful sa partner.

“Hindi ko alam na possible pala na to love a person more after 10 years since nagde-date kami,” sey ng OPM singer.

Chika niya, “As time goes by you’ll learn na love is not just about one things kumbaga may mga kilig but after we got married we realized that when you commit to a person, it takes a lot of hard work, you discover more sa taong ‘to, you appreciate the things that he does for you, ang dami mong nadi-discover na this is something na love is the only explanation kung bakit ginagawa ng taong ‘to for me.”

“One thing that works for us is to be mindful of each other, before you make a decision, lagay mo ‘yung sarili mo roon sa shoes ng isa,” saad pa niya.

Taong 2019 nang ma-engagae sina KZ at TJ.

Makalipas ang isang taon ay ikinasal sila sa Batangas.

Related Chika:

KZ Tandingan laging nganga noon sa mga audition, binigyan ng ultimatum ang sarili nang sumali sa ‘X-Factor PH’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

KZ Tandingan isa sa 7 inampon ni Martin Nievera, hinding-hindi malilimutan ang pagluluto sa kanila ng ‘best burger’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending