KZ Tandingan, TJ Monterde muling nagpakasal; sa wakas, nakasama na ang kanilang mga magulang | Bandera

KZ Tandingan, TJ Monterde muling nagpakasal; sa wakas, nakasama na ang kanilang mga magulang

Ervin Santiago |August 30,2023
facebook
share this

KZ Tandingan, TJ Monterde muling nagpakasal; sa wakas, nakasama na ang kanilang mga magulang

Ervin Santiago - August 30, 2023 - 09:25 PM

KZ Tandingan, TJ Monterde muling nagpakasal; sa wakas, nakasama na ang kanilang mga magulang

KZ Tandingan at TJ Monterde

NAGPAKASAL uli ang celebrity couple na sina KZ Tandingan at TJ Monterde upang ibandera sa buong universe ang solid na solid pa rin nilang pagmamahalan bilang married couple.

Kasabay ng pagdiriwang ng kanilang 3rd wedding anniversary nitong nagdaang Lunes, August 28, ikinasal sa ikalawang pagkakataon ang mag-asawa.

Sa mga litratong nakita namin sa social media na kuha ng ilan sa kanilang mga bisita, naganap ang second intimate wedding nina KZ at TJ sa isang private garden restaurant somewhere in Quezon City.

Base sa mga pictures, nakasama na finally ng mag-asawa sa kanilang kasal ang mga magulang. Matatandaang hindi nakapunta ang mga ito sa first wedding nila noong 2020.

Ito yung kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa kaya naman nagkasya na lamang na makasama nina KZ at TJ ang kanilang parents via zoom.

“Ang hakbang sa pagiging isa,” ang nakalagay sa isang message board na nasa entrance ng venue kalakip ang mga pangalan ng mag-asawa at may date na “28 Aug. 2023.”

Baka Bet Mo: Bakit ayaw pang magkaroon ng baby nina KZ Tandingan at TJ Monterde?

Nakita rin namin sa mga litrato ang ilang celebrities na dumalo sa ikalawang kasal nina KZ at TJ, kabilang na ang mga kapwa nila Kapamilya singers na sina Darren Espanto, Kyla at Erik Santos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by TJ Monterde (@tjmusicmonterde)


Nag-post din si Darren sa kanyang Instagram Stories ng ilang litrato niya kasama ng “bride and groom.”

“Love you two! Congrats, newlyweds! On paper na! (laugh in tears and red heart emoji),” ang inilagaya na caption ni Darren sa kanyang IG post.

Kamakailan ay inialay pa ni KZ ang bago niyang kantang “Dito Ka Lang” kay TJ, “The song is about feeling like you don’t deserve the kind of love that you’re getting…it’s a song that I wrote for my husband.

“Kasi everytime that we post something people would always comment, ‘sana all, prayer reveal, swerte mo naman, ano ginawa mo, paano nakuha ‘yang asawa mo’ and to be honest, I don’t know the answer to the question.

“It’s also something that I wonder about myself. I don’t know what I did to deserve that kind of love but whatever reason that is hindi ko ite-take for granted ‘yung chance na ‘to to experience that kind of love,” aniya pa.

KZ Tandingan, TJ Monterde hindi pa ready magka-baby; ano-ano nga ba ang natutunan sa buhay mag-asawa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

KZ nagpasabog ng kilig vibes sa birthday message kay TJ: You are the kindest, most loving, and most understanding person…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending