TJ Monterde ‘di pa rin makapaniwalang nakapag-sold out concert: Worth the wait!
KAHIT na nagtapos na ang three-day concert ng singer-songwriter na si TJ Monterde, hindi pa rin ito makapaniwala na lahat ng araw ng kanyang pagtatanghal ay sold out.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa kanyang pinakabagong achievement as an artist.
“hindi ko alam san magsisimula, para pa rin akong nakalutang. LONG POST. nung padulo na nung Day 3, tinaas ko na talaga kamay ko na para bang abot na abot ko yung mga bituin. Andito na siya. Ito na yun — Ito na yung Puhon,” panimula ni TJ.
Pagpapatuloy niya, “Panginoon, salamat po at pinili niyo akong ilagay dito, salamat po sa pagkakataon, I will never take this stage for granted. Kayo ang dahilan ng lahat ng ‘to, lahat ng kanta, ideas, areglo. All from You.”
Baka Bet Mo: TJ Monterde ‘waiting’, nasasabik nang magka-baby kay KZ Tandingan
View this post on Instagram
Kasunod nito ay ang pagpapasalamat ni TJ sa lahat ng naging parte ng kanyang karera sa industriya ng musika.
“Cornerstone, thank you sa tiwala, thank you for taking me to the next level. I truly found a home in you.
sa aking mga kabanda, Chris, Makoy, James, Luis, NickP, Tim, wala ‘to kung wala kayo, binuhos niyo lahat, salamat at sinamahan niyo ako, ginawa talaga nating ‘Sarili Nating Mundo’ yung studio for weeks! I love you, my brodies!
“Sa string section, choir, kuya chino, pau — grabe. narinig ko ang gusto kong marinig. di niyo ako binigo.
my surprise guests, Maki, Adie, Colet, Champ, Arthur, Jeong Yeol, thank you for being there for me, thank you for having my back. Hope I can return the favor someday,” sey ni TJ.
Hindi rin niya nakalimutan na pasalamatan ang mga tao sa likod ng kanyang maayos na concert.
“TEAM TJ, label, digital, glam team, lahat ng crew namin, salamat sa pag alaga samin palagi, halos araw araw tayo magkasama, pero you guys make everything so easy. sana dumami pa work natin!
My Director, Direk John Prats. Broooooo! We made it!
“Thank you for sharing my vision bro, ang sipag mo, ang sarap mo katrabaho. Grabe ka. Thank you for making things happen!”
Alay rin ni TJ ang concert sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang kabiyak na si KZ Tandingan.
“Sa family ko, I am who I am because of you. Thank you for being my first draft listeners, and for supporting me each step of the way. I value you guys so much, I love you.
“Syempre, sa aking nagiisang Palagi, KZ. kinakanta na ng lahat ‘to, pero sayo pa rin ‘to, ikaw si Palagi. Thank you for the inspiration. I cant imagine life without you, hirap na hirap ako pag wala ka. Mahal na mahal kita.
AAAAAAAAAAAHHH! SOLD OUT ARANETA CONCERT!”
Bagamat hindi alam ni TJ kung makakaya niyang ulitin ang ganoong uri ng concert ay labis ang kanyang saya dahil nasulit niya ang blessing na ipinagkaloob sa kanya.
“hindi ko alam kung mauulit ko pa ‘tong mga concert na ganito or hindi na, si Lord lang nakakaalam, ang alam ko, binigay ko ang buong puso ko sa tatlong gabing yun — at nasulit ko siya. ‘buti na lang, buti na lang talaga di ka sumuko, teej.’ WORTH THE WAIT.
“mga bituin, again, thank you for making this simple songwriter’s dreams come true. Thank you for making my stories — your stories. patuloy po akong mangagarap, patuloy po akong magsusulat. THANK YOU LORD! LAHAT MATUTUPAD,” sabi pa ni TJ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.