Alfred inokray mga kalaban sa eleksyon, Ogie humirit

Alfred inokray mga kalaban sa eleksyon, hirit ni Ogie: ‘Bakit dumating sa ganito?’

Pauline del Rosario - February 20, 2025 - 10:00 AM

Alfred inokray mga kalaban sa eleksyon, hirit ni Ogie: 'Bakit dumating sa ganito?'

Ogie Diaz, Alfred Vargas

TILA naloka ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz matapos kumalat sa social media ang video ng actor-turned-politician na si Alfred Vargas na kuha mula sa isang campaign sortie.

Mapapanood kasi sa viral video na nilalait umano ni Alfred ang pisikal na anyo ng kanilang mga katunggali sa darating na midterm elections.

Para sa mga hindi aware, ang aktor ay tumatakbo bilang konsehal ng 5th district ng Quezon City.

Ibinahagi pa nga ‘yan ni Ogie sa isang Facebook post na makikitang nasa entablado ang aktor kung saan naroon ang kanyang mga tagasuporta at mga kapwa-kandidato.

Baka Bet Mo: Alfred Vargas hindi lalayasan ang showbiz: Acting will always be my passion, it’s my first love, pero…

“Baka gustong linawin ito ni Alfred Vargas. Puro nega ang comment sa kanya,” sey ng showbiz insider sa nasabing post.

Dagdag pa niya, “Bakit dumating na raw siya sa ganitong point ng pamumulitika?”

Mapapakinggan na nagbiro ang aktor at sinabing mas pinipili nila ng kanyang kapatid na si Rep. PM Vargas ang good-looking na mga kandidato, habang tinawag naman niyang mukhang adik ang kanilang mga kalaban sa pulitika.

“Kami ni Cong. PM, pag namimili kami, pinipili namin ‘yung magaganda’t gwapo. Kasi kung titingnan ninyo, ‘yung mga nakukuhang leaders ng mga kalaban namin, mga mukhang adik,” sambit ni Alfred na maririnig na tumatawa ang mga tagasuporta na present sa kampanya.

Patuloy niya, “Totoo, ‘di ba? Tsaka puro may mga utang. Hindi nagbabayad. Totoo, ‘di ba? Kilala namin ‘yung mga leaders ng kabila e. Hindi ba, bro? Kaya sa tingin ko, Colonel, marami kayong ikukulong na mga adik.”

Sa parehong okasyon, nagbitaw rin umano ng masasakit na salita si Vargas laban kay Rose Nono Lin, ang pinuno ng Rose Lin Foundation.

Ang nasabing video ay unang ibinandera ng Kilusan Kontra Korapsiyon at umani ng matinding reaksyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Konsehal ka pero ang tabas ng dila mo para manghusga ng ibang tao? Malayong-malayo ang mararating mo—hanggang sa hindi ka na makabalik ulit.”

“Nakakahiya bukang-bibig mo! Magkapatid nga kayo, lahat gagawin para manira lang ng taong may paninindigan. Hindi na kayo karapat-dapat mamahala sa Distrito Singko. Lalong lalala ang korapsyon kapag kayo pa ang namuno.” 

“Nakakahiya naman sa mga magkakaibang mga leader. ikaw na mismo na konsehal ang nang aalipusta sa mga leaders na yan, konsi sa sobrang taas mo masakit kapag lumagapak ka.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wow hiyang hiya naman sa adik na leader! Ano pa kaya yang kagat kagat labi mo alfred hahaha may something ka din ba hahahaha. Huwag mapanghusga hindi porket hindi pumabor sa inyo ‘yung mga tao eh lalaitin at ija-jjudge niyo na!!! asan ang manners!”

Samantala, noong 2021 nang unang ipinahayag ni Ogie ang kanyang pagkadismaya sa desisyon ni Alfred na mag-abstain o umiwas sa pagboto sa isyu ng ABS-CBN franchise renewal habang siya ay nasa Kongreso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending