Jun Urbano, kilala bilang Mr. Shooli, pumanaw sa edad na 84
PUMANAW na ang beteranong aktor na si Jun Urbano o si Manuel “Jun” Urbano Jr. ngayong araw, December 2, sa edad na 84.
Ang kanyang pagkamatay ay kinumpirma mismo ng kanyang anak na si Banots Urbano sa pamamagitan ng isang Facebook post.
“I will cherish this moment for the rest of my life. I love you so much dad, until we meet again,” saad ni Banots kalakip ang larawan nila ni Jun na nakasuot ng kanyang outfit bilang si Mr. Shooli.
Wala naman nang iba pang inilahad na detalye ang kanyang anak ukol sa dahilan ng pagkamatay ng veteran actor-director.
Ngunit bago pa naman ang kanyang pagkamatay ay nagkaroon na ng chronic obstructive pulmunary disease si Jun at sumailalim na rin sa quintuple heart bypass noong 2018.
Baka Bet Mo: Angel Locsin ka-look alike na si Angel Mystica pumanaw na
Nakilalala si Jun sa kanyang pagganap sa political satire show na “Mongolian Barbecue” noong late 1980s bilang si Mr. Shooli.
Bukod sa kanyang acting career ay nakapag-direct na rin ito ng 2,000 TV commercials for 40 years.
Si Jun ay ang panganay na anak ng namayapa na ring National Artist for Film na si Manuel Conde.
Ginawaran rin siya ngayong taon ng presyihiyosong award-giving body na Gawad Plaridel.
“I feel that I’m about to board my final flight soon,” saad ni Jun sa kanyang naging interview sa Philippine Daily Inquirer niong July 2020.
Ito ay nangyari isang buwan marapod ang kanyang ika-81st birthday.
“I still have a lot of dream projects to make, but I feel that my body isn’t as strong as it used to be,” sey ni Jun.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.