Zeinab Harake: Yung sarili ko di ko magawang hingan ng tawad o patawarin kasi totoo naman | Bandera

Zeinab Harake: Yung sarili ko di ko magawang hingan ng tawad o patawarin kasi totoo naman

Therese Arceo |November 19,2022
facebook
share this

Zeinab Harake: Yung sarili ko di ko magawang hingan ng tawad o patawarin kasi totoo naman

Therese Arceo - November 19, 2022 - 03:12 PM

Zeinab Harake: Yung sarili ko di ko magawang hingan ng tawad o patawarin kasi totoo naman

UMAMIN ang isa sa mga kontrobersyal na social media influencer na si Zeinab Harake na naging mayabang siya nang makaramdam ng kasikatan.

Sa kanyang interview kay Boy Abunda, diretsahan nga siyang natanong kung lumaki nga ba ang ulo nito matapos makilala ng madlang pipol.

“You’re one of the most-loved social media stars. Sumikat ka nang husto. May mga pagkakataon ba na yumabang ka?” tanong ni Boy kay Zeinab.

“Opo, meron. Hindi tayo magpapaka-plastic. Like, meron po talaga na hindi mo makokontrol,” diretsong sagot ng social media influencer.

Pagpapatuloy niya, “Pero hindi ko naman po siya para makasakit ng iba. Hindi ganoon. “Nami-misunderstood lang kasi yung bunganga ko minsan talaga, taklesa ako, e. Natural lang iyon sa bunganga ko.”

Pero mayroon raw mga taong minamasama ang ugali ni Zeinab at sinasabihang mayabang pero para sa kanya naman niya ay ibinahagi niya lang ang nasa isip niya.

Bukod rito ay hindi naman maiwasan na hindi matalakay ang isa sa mga malalaking kontrobersiyang kinasangkutan niya kamakailan kung saan marami ring mga big stars ang nadamay maging ang mga malalapit niyang kaibigan.

Matatandaang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng talent manager na si Wilbert Tolentino na siyang nagsiwalat ng mga “resibo” ng mga pinagsasasabi ni Zeinab na hindi maganda sa kapwa vloggers at celebrities.

Sinabi pa nga ng talent managera traydor raw ang social media influencer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Inamin naman ng vlogger ang kanyang pagkakamali at humingi ng kaptawaran sa mga taong nabanggit at napagsalitaan niya ng hindi maganda.

“Madami po, like, masama na yung binibitawan kong salita. Pagkakita ko [ng video], ‘Oh, my God!’ napaganun na lang ako. ‘Bakit ko iyan sinasabi sa iba?’ Mga ganoon na hindi ko talaga alam din,” pagbabahagi ni Zeinab.

Dagdag pa niya, “Hindi ko ide-deny kasi ako yun, e. Hindi ko naman tinanggi. Inako ko kaagad, tapos nag-sorry ako agad, kasi pagkakita ko pa lang, alam kong mali. Alam kong makakasakit ako.”

At dahil nga sa nangyari ay nasabi niyang nahirapan siyang patawarin ang kanyang sarili sa mga nangyari.

Lahad ni Zeinab, “Ako din napi-feel sorry ako sa sarili ko kasi, ‘Ano bang pinaggagagawa mo? Anong tingin mo sa sarili mo?’ parang may mga ganoon ako.

“Tapos ang unfair kasi sa part ko yung sarili ko di ko magawang hingan ng tawad o patawarin kasi totoo naman, e. Masyado na akong nilalamon ng kung anu-ano and sa sobrang daming [pinagdaanan] nawawala ako.”

Pag-amin rin ni Zeinab, “Nawawala talaga ako. Di ko pa din alam kung saan ako dadalhin, kung saan ako ngayon.”

Sa ngayon ay ang kanyang mga anak na sina Lucas at Bia ang kanyang pinagkukunan ng lakas para magpatuloy.

 

Related Chika:
Zeinab Harake pinayuhan ni Willie Revillame: Dapat ‘yung anak mo mahalin ‘yung tatay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Zeinab Harake inaming single pa rin: Looking for the right Mr. Black

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending