Ogie Diaz sa mga artistang 'tigas-mukha': Wag sobra sa paturok!

Ogie Diaz sa mga artistang ‘tigas-mukha’: Wag sobra sa paturok!

Ervin Santiago - June 03, 2024 - 08:00 AM

Ogie Diaz sa mga artistang 'tigas-mukha': Wag sobra sa paturok!

Ogie Diaz

HUGOT na hugot ang online host at talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa mga artistang adik sa pagpaparetoke, partikular na ang botox.

Nagbigay paalala si Mama Ogs sa mga celebrities na aktibo pa rin sa pag-arte sa pelikula at teleserye na maghinay-hinay naman sana sa pagpapa-botox o pagpapabanat ng kanilang mga mukha.

Idinaan ni Ogie sa Facebook ang kanyang advice, “Sa mga artista, lalo na du’n sa mga umaarte sa teleserye man yan o sa pelikula, baka pwedeng ‘wag n’yong gawing libangan ang pagpapa-botox masyado. Too much of anything is bad.

Baka Bet Mo: Bakit nagtatakbo si Coco habang kumakanta si Sharon at iba pang cast ng Ang Probinsyano?

“Nakakalokah! Seryoso ang eksena, nakakatawa man o confrontation scene — iisa lang ang reaction ng mukha. Iisa ang facial expression. Walang linya ang mukha. In short, affected ang performance,” simulang pagsita ni Mama Ogs.

Aniya pa, “Wala namang problema kung gusto mong labanan ang edad mo. Pero ‘wag namang sosobra sa paturok, baka bumalik ka naman sa fetus.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Meron nga, ambabata pa ng artista, suki na ng botox ang mukha, eh.  Eh, tumitingin pa naman tayo sa nuances, sa gestures, sa body language — kung tama ang akting o naka-in character.

“Pero sa kabilang banda, baka naman hindi talaga naka-botox at gano’n lang talaga ang kakayanin ng akting niya?

“(O, baka me magtawagan na naman at mag-marites kung sino’ng tinutukoy ko, ha? In general ‘yan. hahaha!),” pagbabahagi pa ni Mama Ogs.

Patuloy pa ng talent manager,  “Anyway, kanya-kanya namang pag-aalaga ng sarili ‘yan para i-maintain ang lakas ng screen presence.

Baka Bet Mo: Female celeb-influencer sobrang tigas na ng mukha, adik na adik daw sa botox

“Meron ding nagpapadagdag ng lips para maging kissable, meron ding nagpapahigop ng taba o nagpapa-lipo, dahil gustong lumiit sa screen.

“But always remember, ha? Wag n’yo namang perpekin. Yung almost perfect lang at yung meron pa ring room for improvement para maramdaman pa rin ng audience na tao ka pa rin, hindi ka manika,” dagdag pang chika ni Mama Ogs.

In fairness, totoong-totoo naman ang punto ng online host at content creator, may mga artista kaming napapanood sa mga teleserye na ang tigas-tigas ng mukha kapag umaarte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Halos hindi na kasi gumagalaw ang face nito kapag umaakting at nagda-dialogue dahil nga sa kabobo-botox.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending