Female celeb-influencer sobrang tigas na ng mukha, adik na adik daw sa botox | Bandera

Female celeb-influencer sobrang tigas na ng mukha, adik na adik daw sa botox

Reggee Bonoan |June 22,2023
facebook
share this

Female celeb-influencer sobrang tigas na ng mukha, adik na adik daw sa botox

Reggee Bonoan - June 22, 2023 - 07:13 AM

Female celeb-influencer sobrang tigas na ng mukha, adik na adik daw sa botox

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sinetch itetch?

SA isang showbiz event ay napagkuwentuhan ang kilalang aktres at influencer na gustung-gustong kunin ng ilang producers pero tumatanggi ang mga direktor na kausap nito.

Ang dahilan, “Wala na siyang facial expression, hindi na nalulukot ang fez puro botox.”

Ito ang narinig naming katwiran ng direktor tungkol sa kilalang aktres at influencer.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial inaatrasan na raw ng mga brands dahil sa isyu, true kaya?

In-imagine namin bigla ang face ng kilalang aktres at influencer na hindi naman namin nakitaang hindi nalulukot kasi kapag ngumingiti at tumatawa ay gumagalaw naman ang noo at kilay nito.

Pero sinilip namin ang Instagram ng aktres na may mga video, panay nga ngiti at tawa pero hindi gumagalaw ang (singit ng kausap naming direktor…bagong botox siya).

Lagi raw itong nagpapa-botox para ma-maintain na walang marks ang mukha.

“Kita mo ang tigas ng fez na? Idinadaan na lang sa anggulo at pa-cute,” sabi pa ng direktor na kausap namin.

Pero may nalaman naman kami na may gagawing show ang kilalang aktres at influencer soon sa isang network.

Under negotiation ang network at ang manager ng kilalang aktres at influencer dahil medyo malaki ang asking talent fee nito.

BB Gandanghari pangarap makatrabaho si Daniel Padilla; type ring bumida sa ‘May-December affair’ na pelikula

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz nag-react sa post na kuning endorser ng Facebook si Toni Gonzaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending