Ogie Diaz nag-react sa post na kuning endorser ng Facebook si Toni Gonzaga | Bandera

Ogie Diaz nag-react sa post na kuning endorser ng Facebook si Toni Gonzaga

Therese Arceo |October 04,2022
facebook
share this

Ogie Diaz nag-react sa post na kuning endorser ng Facebook si Toni Gonzaga

Therese Arceo - October 04, 2022 - 01:57 PM

Ogie Diaz nag-react sa post na kuning endorser ng Facebook si Toni Gonzaga
HINDI napigilan ng talent manager at showbiz personality na si Ogie Diaz na i-call out ang isang Facebook page na nakapangalan kay Atty. Larry Gadon.

Ito ay patungkol sa diumano’y mungkahi ng abogado na sana’y kunin ng naturang social media website ang Multimedia Star na si Toni Gonzaga bilang endorser rin ng Facebook.

“Mga Katropa Sana kunin din si Toni Gonzaga ng Facebook bilang endorser para magsilayasan na yung mga ‘BOB*’ dito sa fb,” ayon sa post na ikinataas ng kilay ni Ogie.

Ibinahagi nga ng talent manager sa kanyang Twitter account ang naturang post na nakapangalan kay Atty. Gadon.

“Sana kunin kang endorser ng mga b*bo para pilitin na nilang maging matalino,” sey ni Ogie sa kanyang tweet.

Umani rin naman ng samu’t saring komento ang naturang post mula sa mga netizens.

“Uyyy, nagpaparamdam yung magaling manlait. Gusto maging relevant. Sana invited ka sa mga parties, atty,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa sa post ni Ogie, “To think that Facebook does not even need an endorser in the first place. Sasakay lang sila sa clout ng FB.”

“bakit perpektong tao kaba , tingin ko nga sayo masyadong pakialamero at epal sa lahat ng mga nangyayari kung ayaw mo ma bash tumahimik ka sa kabaklaang taglay mo,” sey naman ng isa pa.

Samantala, hindi naman verified ang naturang Facebook account ng nag-post kaya hindi pa sigurado kung talagang ang abogado nga ba ang nasa likod ng naturang post o isa lamang fan-made account.

Sa ngayon ay mayroon na itong mahigit 862,000 followers.

Bukas naman ang BANDERA para kay Atty. Larry Gadon sakaling nais niyang bigyang linaw ang naturang post at Facebook account na gumagamit ng kanyang mukha at pangalan.

Related Chika:
#TrueBa: Andrew E bagong endorser ng isang online shopping app?

Aiko dumepensa sa pagkuha ng online shopping app kay Toni: Mali naman ang atakihin n’yo ang kinuha nilang endorser

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea Brillantes na-prank, kinilig sa DonBelle: Na-realize ko kung anong date ngayon

Ogie Diaz may patutsada sa taong ayaw magbayad ng utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending