Kilalang aktres ayaw pang magpakasal sa dyowang negosyante, gusto munang gumawa ng pelikula na tatatak sa showbiz | Bandera

Kilalang aktres ayaw pang magpakasal sa dyowang negosyante, gusto munang gumawa ng pelikula na tatatak sa showbiz

Reggee Bonoan - June 22, 2023 - 07:13 AM

Kilalang aktres ayaw pang magpakasal sa dyowang negosyante, gusto munang gumawa ng pelikula na tatatak sa showbiz

Mahulaan n’yo kaya kung sino sila? Guess, guess who!?

KUNG ang ibang female personality na may mga karelasyon na nang matagal ay nag-aabang kung kailan magpo-propose ang kanilang mga boyfriend ay iba naman ang drama ng so-so actress dahil ayaw pa niyang i-level up ang relasyon nila ng kanyang dyowa.

Ang so-so actress na ito ay isa sa mga inaabangan din ng netizens kung kailan mag-aasawa lalo’t perfect combination sila ng boyfriend niyang related din sa showbiz at isa ring negosyante.

Si boyfriend ay nagsabi sa mga kaibigan nila na handa na siya anumang oras, hihintayin na lang niya kung kailan magiging ready ang girlfriend niyang so-so actress.

May pangarap kasi si so-so actress sa kanyang career kaya ayaw muna niyang mag-asawa at inamin din niya sa mga kaibigan na hindi pa siya handa talaga.

Baka Bet Mo: Aktor ‘hinimas-himas’ ang kilalang producer kaya nagsunud-sunod ang proyekto

Kuwento ng common friend namin ng so-so actress, “Gusto niya kasing makagawa ng pelikulang tatatak siya sa tao, kahit walang award basta matatandaan siya. E, sa ngayon wala pa.”

Masipag si so-so actress dahil bukod sa career niya ay may mga on the side siyang negosyo kaya nga sabi ng lahat ay perfect combination sila ng boyfriend niya na negosyante rin dahil nagkakatulungan sila.

Walang nagpapalibre o masasabing umaasa sa pera ng isa’t isa dahil parehong may pinagkakakitaan, ‘yun nga lang isa, dalawa o tatlong projects lang hinihintay ng so-so actress at kapag nag-boom ang pangalan ay okay na, pakakasal na siya sa boyfriend niya.

Good thing ang boyfriend ay waiting na lang at hindi na magbabago ang isip, kumbaga sa kabayo ay nakatakip ang mga mukha nito o tinatawag na tapaojo para ang girlfriend lang niya ang nakikita  kahit saan siya mapunta.

Hmmmm, base sa kuwento ng aming common friend ay baka isa hanggang tatlong taon na lang at okay na si so-so actress dahil may dalawang project itong gagawin na sobrang nagandahan siya.

Female star super deny na siya ang sumira sa relasyon ng ex-celebrity couple

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

2 kilalang aktres ikinumpara sa mga bading, grabeng magregalo sa dyowa; so-so aktor manggagamit, manloloko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending