Bakit nagtatakbo si Coco habang kumakanta si Sharon at iba pang cast ng Ang Probinsyano? | Bandera

Bakit nagtatakbo si Coco habang kumakanta si Sharon at iba pang cast ng Ang Probinsyano?

Reggee Bonoan - December 14, 2021 - 03:28 PM

Julia Montes, Sharon Cuneta at Coco Martin

KAYA pala maraming artistang gustong mapabilang o makapag-guest sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay dahil bukod sa hindi raw makukumpleto ang kanilang showbiz career ay nababalitaan din nilang napakasaya ng samahan ng buong production. 

Lalo na raw kapag day-off nila at nabibigyan ang lahat ng  pagkakataon na makapag-bonding to the max.

Nakita namin ang mga ini-repost na video ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ng mga behind the scenes kung gaano sila kasaya lalo na ‘yung eksenang nakikipag-usap siya sa Task Force Aguila at nakikipag-ugnayan para tugisin ang nanakit sa tatay niyang si Don Ignacio na si Tommy Abuel.

Pagkatapos ay si Coco Martin as Cardo naman na seryosong nagsalita ng, “Gagawin namin ang lahat. Pero may hihilingin kami sa ‘yo, maaari bang ikaw ang magdasal ngayon dahil pack-up na tayo?” Sabay tawanan ng lahat kaya pati si Shawie ay nagtakip na ng mukha sa katatawa.

Isa pang nakatutuwang panoorin ay yun nagkakantahan sila kasama ang Megastar (sa awiting To Love Again) kung saan talagang sinasabayan siya ng buong Task Force Aguila at saka ipapasa ni Sharon ang mikropono at nang ibigay na ang mic kay Cardo ay nagtatakbo bigla ang aktor at direktor.

Kinunan ng video na naghuhugas ng pinggan ang aktres at biniro ni Ara Mina na kaya raw kinuha si Shawie ay para maghugas ng pinggan kaya nagkatawanan ang lahat — ang ending dumulas ang plato at nabasag.

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


May post din si Sharon ng larawan nila ni Julia Montes na puring-puri niya ang dalaga.

“Mara and Aurora. Sa lahat ng nakasama kong mas mga batang artista sa more than 60 movies ko, si Julia Montes ang nakita kong pinakapareho ko sa tunay na buhay. Bungisngis, malambing, mabait. At magaling na artista. Love this girl (emoji hears) @montesjulia08,” sabi niya sa caption.

Nakaka-good vibes panoorin ang mga ganitong behind the scenes ng buong cast “FPJ’s Ang Pobinsyano.” Sa isa pang bahagi ng video ay mukhang namahagi na ng ayuda si Sharon dahil pinasalamatan siya ng lahat.

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/297581/sharon-inalala-ang-kabutihan-ni-fpj-pag-may-umapi-sa-yo-alam-mong-to-the-rescue-siya
https://bandera.inquirer.net/289637/coco-tensyonado-sa-pagpasok-ni-julia-sa-ang-probinsyano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending