Ogie Diaz nag-alala para kay Erin, ginagamit lang ba si Bimby?

Ogie Diaz nag-alala para kay Erin, ginagamit lang ba si Bimby?

Therese Arceo - July 09, 2024 - 08:04 PM

Ogie Diaz nag-alala para kay Erin, ginagamit lang ba si Bimby?

HINDI napigilan ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ang maglabas ng saloobin matapos magkarooon ng collaboration ang panganay niyang anak na si Erin Diaz sa bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby.

Sa kanyang latest “Showbiz Update” vlog ay nagkomento ito sa naging trending na “Boyfriend for a Day” vlog nila na lumabas sa YouTube channel ni Erin ay makulit na nag-bonding ang dalawa bilang magdyowa.

Ipinangako kasi ni Bimby sa anak ni Ogie na ipapasyal niya ang dalaga sa Disney Land pati na rin sa ibang lugar sa California.

Aniya, kinakabahan raw siya sa maaring sabihin ng ibang tao tungkol sa naging vlog ng dalawa dahil baka may mag-iwan ng negatibong komento tungkol sa kanila.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz binalaan si Rosmar, huwag maniwala kay ‘Jiro Manio’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kinabahan ako baka mayro’ng mag-comment na: ‘ay, ginagamit lang ni Erin si Bimby,’” panimula ni Ogie.

Depensa niya, hindi naman daw plano ni Erin na pasukin ang mundo ng pag-a-artista.

“Di naman nag-aartista si Erin. Nagba-vlog-vlog lang ‘yan,” sey pa ni Ogie.

At kung ipipilit raw ng mga tao ang paratang ay ang sasabi lang ng talent manager, “Ngayon kung ipipilit nila, okay. Ginagamit? Okay.”

Matatandaang naganap ang pagsasama ng dalawa ng dumalo sila Ogie sa Amerika kung saan na-interview rin nito si Kris Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending