Bimby naging dyowa 'for a day' ang anak ni Ogie na si Erin

Bimby naging dyowa ‘for a day’ ang anak ni Ogie na si Erin: ‘May chemistry!’

Reggee Bonoan - July 05, 2024 - 08:29 AM

Bimby naging dyowa 'for a day' ang anak ni Ogie na si Erin: 'May chemistry!'

PHOTO: Screengrab from YouTube/Erin Diaz

ANG kulit ng mga anak nina Kris Aquino at Ogie Diaz na sina Bimby at Erin sa vlog ng dalaga dahil nagpanggap silang mag-boyfriend at girlfriend for a day. 

Pagkatapos kasi ng panayam ni Ogie kay Kris sa vlog nitong “Ogie Diaz Inspires” na mayroon nang 3.7M views sa loob lamang ng limang araw ay nangako si Bimby na ipapasyal niya si Erin sa Disneyland Park Orange County, California.

Habang naghahanda si Bimb ng mga gamit niya na nasa body bag niya plus water bottle ay inaasar siya ng dalaga dahil “buong bahay” daw ang bitbit nito, samantalang siya ay isang maliit na bag lang.

 Nag-usap sina Bimb at Erin na kunwari ay mag-dyowa sila at natawa kami sa sagot ng bunsong anak ni Kris, “Ha, ha girlfriend ko siya kahit 17 palang (ako).”

At biglang tinawag ni Bimb ng “Ate Erin” kaya ipinaalala ng dalaga na mag-dyowa sila.

Baka Bet Mo: Kris naiiyak sa comments ng netizens: ‘Sa gitna ng sarili n’yong problema, naiisip n’yo pa ring isama ako at ang mga anak ko sa inyong panalangin’

Tuwang-tuwa si Bimb sa set-up nila at panay ang sabi niya ng “my first girlfriend ha, ha, ha” tsaka makikipag-high five kay Erin.

Nagkukulitan ang dalawa sa video na umabot sa mahigit sampung minuto lang at halatang bata pa nga si Bimb dahil kung akbayan niya si Erin ay parang barkada lang tsaka hahalakhak, pero inaalalayan niya ang date niya. 

Napaka-normal ng buhay ni Bimb sa Amerika dahil naka-shirt and jeans plus sneakers lang ang suot nito at sumusunod siya sa patakaran tulad nu’ng hindi sila nakapagpa-book ng tickets sa Disneyland at sinabihan silang pumila at sumunod naman ang binatilyo.

Kahit mainit dahil may araw ay naglalakad sina Erin at Bimb na walang payong sa napakalawak na parke ng Disneyland at in fairness, gentleman si Bimb at binilhan niya ng remembrance ang dalaga na inilagay nito sa damit niya para maalala raw siya.

Habang naglalakad ay may nakakilalang mga Pinoy kay Bimby at hinilingan siyang magpa-picture na kaagad namang pinagbigyan. 

Samantala, tuwang-tuwa naman ang netizens kina Erin at Bimb at heto ang ilang komentong nabasa namin: 

“Ang cute ni Bimby. He is so kind and handsome. Bagay kayo ni Erin.”

 “Sa ugali ni Bimb, maswerte ang future wife niya.”

“Wow! kinilig ako may chemistry kayong dalawa Erin and Bimby. Sobrang bait din ni Bimby.”

 “Galing ni Bimby mag tagalog , napakabait hindi mayabang.”

“Ang cute nyong dalawa while nanood ako sa vlog nyo nka smile ako.” 

“Ang cool ni Bimby, kakatuwa kayong dalawa….lafftrip…more vlog pa..”

“Ang gwapo talaga ni Bimby. Ang swerte ang maging girlfriend niya ot maging future wife. Ang swerte ni Miss Kris.”

“Ay kinilig ako kay Bimby gwapo at mabait, Good job Kris for raising a Good gentleman. swerte ng magiging jowa ni Bim.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At dahil may chemistry sina Erin at Bimb, hinihiritan tuloy silang mag-collab ulit, “Both nice kids . More vlog with Bimb.”

Subukan ninyong panoorin ang kabuuan ng vlog ni Erin with Bimb, nakaka-happy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending