Ogie napamura nang ibenta ng anak ang mamahaling gamit sa FB live selling | Bandera

Ogie napamura nang ibenta ng anak ang mamahaling gamit sa FB live selling

Reggee Bonoan |August 29,2021
facebook
share this

Ogie napamura nang ibenta ng anak ang mamahaling gamit sa FB live selling

Reggee Bonoan - August 29, 2021 - 06:48 PM

Ogie Diaz at Erin Diaz

ILANG beses binatukan ni Ogie Diaz ang panganay na anak na si Erin na nagdiriwang ng kanyang 20th birthday ngayong araw, Agosto 29 dahil ni-live selling nito ang mga gamit niya.

Base sa kuwento ni Erin sa kanyang YouTube channel, “Ibinenta ko sa live selling mga gamit ni daddy.”

Kasabwat ni Erin ang ka-tandem ni Ogie na si Mama Loi sa Showbiz Update vlog nila bukod sa sarili nitong YouTube channel din at ang bunsong kapatid na si Meerah na hinarangan ang pinto para raw hindi makapasok ang tatay nila.

Pinagkukuha ng dalaga ang mga importanteng gamit ng ama tulad ng suit na ginamit ni Ogie sa 50th birthday niya bago magkaroon ng pandemya, mga mamahaling pabango, shaver, boxer briefs, shirts, LV bag at marami pang iba.

Kasalukuyang kumakain si Ogie sa baba kaya hindi niya namamalayan na hinahalungkat ng anak ang kanyang walk-in closet.

“Dito na lang ako magla-live sa kuwarto kasi baka biglang umakyat si daddy. Ayaw kasi sumali sa akin ni daddy sa vlog ko kaya ngayon magpapa-mine tayo ng mga gamit niya,” tuwang-tuwang sabi ni Erin.

Dagdag pa, “Ayaw kasi ni daddy na pinapakialaman ko ang Facebook niya.”

Isa-isang binanggit ni Erin ang mga gamit ng ama tulad ng mamahaling pabango na binebenta lang ng P300 hanggang sa umabot na sa 7,000 viewers ang nanonood sa kanya.

At dahil lumalabas ang notifications kay Ogie ay nakita niya ang live selling ng anak kaya tinanong si Mama Loi, “Ano ginagawa niya?”

“Nag-o-online selling,” sambit ni Mama Loi.

Nakahalata na si Erin, “Teka nanonood sila nang live ko, hala.”

Sabi ni Mama Loi kay Ogie, “Nasa 7 thousand na ang nanonood.”

“G*go tong si Erin,” sambit ni Ogie.

Ang FB account ni Ogie ang ginagamit ng anak sa live selling nito kaya marami ang nakakapanood.

May nagkomentong viewer, “Grounded ka sa daddy mo.”

“Ramdam ko nga po,” sagot naman ng dalaga.

“Taran***do tong si Erin,” sabi ni Ogie habang pinanonood ang anak.

Say naman ni Mama Loi, “At least sa kanya maraming nagma-mine.”

Hindi ma-gets ni Ogie kung bakit nag-live selling ang anak gamit ang kanyang FB page, “Para san ‘to?”

Napamura na ang ama ni Erin dahil ibinenta lang ng P2,000 ang branded bag niya. “Tawagin mo nga ‘yang (napamura) ‘yan!” sabi ni Ogie.

Sabi pa, “Regalo sa akin ‘yung Jo Malone. Para san ba ‘to?  Tatampalin ko ‘tong si Erin.”

Inakyat na ni Ogie ang kuwarto ng anak, “’Yung mga damit mo ang ibenta mo, ‘wag ‘yung mga ano ko.”

Katwiran ng anak, “Daddy at least may pang-donate tayo.”

“Gaga ka, nagdo-donate ako! Bakit ito (branded bag sabay batok sa anak), regalo sa akin ‘to!  Gagah ka, kapag nakita ka ni Dra. Vicki Belo, siya ang nagregalo sa akin nito,” sabi sa anak.

Isa-isang kinuha ni Ogie ang mga gamit na pinapa-mine ni Erin na marami na ang handang magbayad.

Huling sabi ni Ogie, “Mga damit mo ang ibenta mo.”

Samantala, sa kanyang FB page ay binati ni Ogie ang anak sa kanyang kaarawan at pinagsabihang edad 25 na lang siya mag-asawa para makuha nito ang premyong ibibigay nila ng nanay niya at kung hindi ito masusunod ay forfeited ang premyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hmmm, ano kaya ang premyong naghihintay kay Erin kapag natupad ang usapan nilang mag-ama na dapat ay 25 years old pa siya magpapakasal?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending