Ogie Diaz proud tatay nang maka-graduate ang anak: Mas magandang may tinapos para kung iwan kayo ng asawa n'yo, di kayo pwedeng pagmalakihan | Bandera

Ogie Diaz proud tatay nang maka-graduate ang anak: Mas magandang may tinapos para kung iwan kayo ng asawa n’yo, di kayo pwedeng pagmalakihan

Ervin Santiago - August 22, 2022 - 05:48 PM

Erin Diaz at Ogie Diaz

PROUD tatay ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa pagtatapos ng kanyang anak na si Erin Diaz sa senior high school.

Sa kanyang official Facebook page, ibinandera ni Papa O (tawag namin sa kanya) ang latest achievement ng anak na balak daw kumuha ng kursong Culinary Arts ngayong tapos na siya ng senior high.

Ipinost ni Papa O ang litrato nila ni Erin na kuha sa naganap na graduation rites kalakip ang madamdamin at nakakaaliw na mensahe para sa kaga-graduate lang na anak.

“Eto yung anak ko, si Erin Diaz. Graduate na ng senior high.

“Nung huminto siya nung 2019 sa senior high, pinagbigyan ko, dahil na-bully at nabagot siya.

View this post on Instagram

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)


“Nung siya mismo ang nakaisip na gusto na niyang mag-aral uli, sabi ko, ‘O, usapan natin this time, ha? Pag huminto ka na naman, ibabawas ko sa savings mo ang ipinambayad ko ng tuition fee mo ha?’

“Kaya napaisip si Erin at, ‘Sige, daddy. Deal!'” bahagi ng FB status ni Ogie.

Patuloy pa niya, “Kaya pinagbuti niya talaga. Naalala ko pa, gusto niya yung cramming siya. Mas umaandar ang utak niya pag pressured siya sa tasks niya. Wag mo siya gagambalain, dahil mawawala siya sa focus.

“Ngayon, kukuha siya ng Culinary Arts. Sabi ko, pagbutihin niya at ang expensive ng tuition fee, kalokah! Muntik akong mag-callboy kaso nakalimutan ko, hindi pala pwedeng mag-callboy kasi bading ako, hahaha!” birong chika pa ng talent manager.

Paalala pa niya kay Erin, “Basta, nak, pagbutihin mo. Wala naman kaming hangad ng mama mo kundi ang magandang future nyong magkakapatid.

“And I always say this to all my daughters: mas magandang may tinapos kayo para pagdating nang araw na iwan kayo ng mga asawa nyo (prangkahan na), di kayo pwedeng pagmalakihan, dahil may natapos kayo at kaya nyong magtrabaho, dahil may alam kayo.

“’O, daddy, graduate na ako, ha? Wala kang ibabawas sa akin.’”

“Love you, anak. Happy kami ng mama mo!” sey pa ni Papa O.

Bumuhos naman ang pagbati kay Erin mula sa mga netizens kasabay ng pagsaludo kay Papa O bilang isang mabuti at responsableng tatay.

https://bandera.inquirer.net/291806/ogie-napamura-nang-ibenta-ng-anak-ang-mamahaling-gamit-sa-fb-live-selling

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/289631/barbie-jak-deadma-na-sa-fake-news-erin-ipinakilala-ang-real-dyowa
https://bandera.inquirer.net/300210/john-vic-de-guzman-hindi-tatalikuran-ang-volleyball-erin-ocampo-super-crush-si-alden

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending