Marian bet makipagbardagulan kina Glaiza at Katrina: Laban ako diyan!
MAY dalawang aktres na gustong makasama ni Marian Rivera sa susunod niyang acting project na bet na bet niyang magkontrabida.
Pagkatapos ng matagumpay niyang mga pelikula na “Rewind” noong 2023 at “Balota” ngayong 2024, wish ng Kapuso Primetime Queen na makagawa muli ng makabuluhang movie in the future.
Sa nakaraang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda”, natanong si Marian kung sinu-sino pa ang gusto niyang makatrabaho sa mga susunod niyang acting projects.
Unang binanggit ng wifey ni Dingdong Dantes ang pangalan ng mga kapwa Kapuso stars na sina Glaiza De Castro at Katrina Halili, “Silang dalawa kontrabida ko, laban ako.”
Baka Bet Mo: Glaiza wish makasama ang BINI sa ‘Running Man PH’: ‘OMG! Manifest natin!’
Gusto rin daw makasama ni Marian ang mga BFF niyang sina Ana Feleo at Boobay. At siyempre, sana raw ay mabigyan uli siya ng pagkakataon na makagawa ng pelikula with her husband Dingdong Dantes.
View this post on Instagram
Isa pa sa nabanggit ng award-winning actress ay ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann, na nakasama na niya noon sa hit Kapuso series na “Marimar” at sa huling serye niya sa GMA 7 na “My Guardian Alien.”
Samantala, showing na bukas, October 16, sa mga sinehan nationwide ang “Balota” ni Marian under GMA Pictures at GMA Entertainment Group.
One of Cinemalaya Bente’s Box-Office Hits, “Balota”, directed by Kip Oebanda, is a timely film that shines a light on the dedication of teachers to future generations and their role in safeguarding the public’s votes during elections.
Ito’y isang satirical movie na may halong suspense, thriller, at comedy.
“Hindi ko maipaliwanag ‘yung pakiramdam ko after kong matapos ‘yung ‘Balota,’ parang palagi kong sinasabi lalo na sa asawa ko (Dingdong) na, alam mo ‘yung ang tagal ko sa showbiz pero parang bumalik ulit ‘yung fulfillment ko sa sarili ko sa paggawa ng trabaho,” sey ni Yanyan.
The film also gave Rivera her first-ever Balanghay trophy from Cinemalaya – an unexpected feat she wholeheartedly dedicated to all the teachers like Teacher Emmy.
“Posible pa pala. Pero higit sa award, ang regalong natanggap ko ay ang muling pagliyab ng aking pagmamahal sa paggawa ng pelikula, dahil sa inspirasyong ibinigay sa akin ng Cinemalaya community,” ang sabi pa ng Kapuso Queen sa kanyang Instagram post.
View this post on Instagram
Kasama rin sa movie si Gardo Versoza, ang mga Sparkle stars na sina Will Ashley, Raheel Bhyria at Royce Cabrera with TikTok content creators Sassa Gurl and Esnyr. Nasa cast din sina Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, at Mae Paner.
Produced by GMA Pictures and GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya, “Balota” also became an official selection for exhibition at the 44th Annual Hawai’i International Film Festival in Hawaii last October 6 and other international screening dates on October 12 at the Consolidated Theaters Kahala and October 21 at the Lanai Theater at Hale Keaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.