Marian buwis-buhay sa Balota; jackpot sa endorsements

Marian buwis-buhay mga eksena sa Balota; jackpot sa endorsements

Ervin Santiago - July 23, 2024 - 06:00 AM

Marian buwis-buhay mga eksena sa Balota; jackpot sa endorsements

Marian Rivera at Kat Melendez

HINDI nagpa-double ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa mga buwis-buhay niyang eksena sa Cinemalaya entry na “Balota.”

Kaya naman sandamakmak na sugat at pasa ang nakuha niya habang nagsu-shooting sa isang kagubatan kung saan kinunan ang ilang highlights ng movie.

Ipinakita pa niya sa BANDERA ang traces ng mga pasa sa kanyang braso na nakuha niya sa mga mahihirap na eksenang ginawa niya tulad ng pag-akyat sa puno at pagtakbo sa masukal na gubat.

“Mawawala rin naman agad yan! Gagaling din!” sabi ni Marian na talagang na-miss daw ang pagsabak sa matitinding action at fight scenes na ginawa niya noon sa “Darna.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero talagang natakot daw ang production staff at ang direktor nilang si Kip Oebanda habang kinukunan ang mga buwis-buhay scenes dahil nga hindi siya pumayag magpa-double.

Safe naman daw siya sa location dahil sapat ang inilaang safety measures sa kanilang shooting kaya kampante rin siyang gawin ang kanyang intense scenes.

Siguradong masa-shock din daw ang mga fans ni Marian sa “Balota” hindi lamang sa kanyang itsura at makapigil-hiningang mga eksena, kundi pati raw sa mga dialogue na binitiwan niya sa kabuuan ng movie.

“Basta. Ha-hahaha! Lumabas ang tapang ko rito! Abangan n’yo yan!” aniya pa.

Samantala, talaga namang binabagyo ngayon ng suwerte ang misis ni Dingdong Dantes dahil sa pagdami ng kanyang product endorsements.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


Isa na nga riyan ang Nekocee vitamins na pag-aari ng baguhang negosyante na si Kath Melendez. Inamin ni Marian na ginamit muna niya ang produkto bago siya pumayag na maging endorser nito.

Aniya, “Kailangan ko ng vitamins dahil sa dami ng trabaho ko!”

“Ako naman kasi, kapag hindi ko ginagamit hindi ko ineendorso, ayaw ko ng ganu’n kaya malalaman ng lahat na kapag tinanggap ko ang isang produkto, that means ginagamit ko.

“Like itong bago kong endorsement na Nekocee 15 in 1 by Kat Melendez, una, ginagamit ko talaga, pangalawa, pinagkakatiwalaan ko, pangatlo, pinapagamit ko sa pamilya ko at hindi ako papayag na ginagamit ng pamilya ko na hindi ako sigurado,” sabi ni Marian nang makachikahan namin sa mediacon ng naturang produkto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isinabay ni Kat Melendez ang launching ni Marian bilang unang celebrity ambassador ng Nekocee sa kanilang Unstoppable Neko Awards 2024 kung saan pinarangalan ang mga top online sellers nila this year na ginanap sa Okada Hotel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending