Maricel never umepal sa lovelife ni Donny; certified DonBelle fan

Maricel Laxa never nakialam sa lovelife ni Donny; certified DonBelle fan

Ervin Santiago - October 16, 2024 - 02:49 PM

Maricel Laxa never nakialam sa lovelife ni Donny; certified DonBelle fan

Donny Pangilinan, Maricel Laxa at Belle Mariano

NEVER nakialam ang award-winning actress na si Maricel Laxa sa lovelife at pakikipagrelasyon ng kanyang anak na si Donny Pangilinan.

Kahit daw siya ang ina at talent manager ng Kapamilya actor at TV host, hindi siya nanghihimasok o nagdidikta sa personal life ni Donny at sa mga nagiging desisyon nito sa buhay.

Nandiyan lang daw siya at ang asawang si Anthony Pangilinan upang gabayan ang kanilang anak pero hinahayaan pa rin nila itong gumawa ng desisyon para sa kanyang sarili.

Kuwento ni Maricel sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes, October 15, okay naman daw ang relasyon niya kay Donny bilang nanay at talent manager.

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan proud na proud kay Maricel Laxa at sa una nilang pelikula: ‘She’s such a gifted person’

Sey ni Maricel, talagang nagtayo sila ni Anthony ng isang talent management para mas matutukan ang career ni Donny at ng iba pa nilang mga anak.

“Sa umpisa pa lang, meron na kaming kontrata bilang manager niya. Kami ng kompanya namin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Laxa-Pangilinan (@mommymaricel)


“So we formed the company para lang ma-manage namin ng maayos si Donny at ‘yung mga anak namin.

“It’s an official corporation so there are guidelines and rules of conduct. May kontrata kami, klaro du’n lahat ng usapan,” paliwanag ng aktres.

Samantala, natanong din ni Boy kung paano ang pag-handle nila sa pera at kinikita ni Donny, “There are clear about those parameters na sila na mismo ‘yung nagsasabi, ‘This is clear.’

“Hindi na nila kinukuwenta ‘yun na part pa ng earning nila kasi from the very start, nakahiwalay na ‘yun e.

“At saka sila pa rin nga ‘yung gustong tumulong sa company nang walang bayad. So it’s a family effort,” aniya.

Inamin naman ni Maricel na isa siyang certified fan ng tambalan nina Donny at Belle Mariano. Pero agad niyang nilinaw na hindi siya nakikialam sa personal life ni Donny bilang manager at parent.

“So we manage him but we don’t own him. That’s very clear. We are just taking care of him, we’re helping take care of what he has so that he can be better at what he’s doing to help other people,” sabi ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pagdating sa pagiging magulang, kapag bata ‘yung anak mo, minor, ang magulang ang masusunod. Kapag adult na ‘yung anak mo, siya rin ang masusunod, pero siya rin ang haharap ng responsibilidad sa consequences ng action niya,” paliwanang pa ni Maricel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending