Alan Peter Cayetano may pakiusap kay Lala Sotto: Look at contemporary Filipino values that we can agree on
MAY panawagan si Senator Alan Peter Cayetano kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto–Antonio tungkol sa Filipino values sa digital content.
Ipinahayag ito ng senador sa isinagawang plenary debate ng panukalang 2024 budget ng MTRCB nitong November 14, 2023 na binigyan diin niya ang malawakang paggamit ng Internet ay nabawasan ang kakayahan ng MTRCB na pangalagaan ang mga kabataang manonood mula sa mga hindi kanais-nais na content.
Kaya naman hinikayat ni Sen. Cayetano ang MTRCB na bumuo ng isang research arm para magsasaliksik kung paano mapapalawak ang mandato nito sa ilalim ng batas upang masakop ang iba’t ibang digital platforms, kabilang ang Netflix.
“Since nakikita ko sa MTRCB ‘yung heart na maging guardian ng values ng ating youth ngayon, let me encourage MTRCB to look at contemporary Filipino values that we can agree on, and (determine) if (digital platforms) are allowed na kahit ano pwedeng ipakita,” pahayag ng senador.
Baka Bet Mo: Boy Abunda, Alan Peter Cayetano ramdam na ramdam ang bigat ng kalooban ng mga nagrereklamo sa ‘CIA with BA’
Klinaro rin nito na ang layunin ay hindi para mag-censor kundi upang makatiyak na ang mga kabataang Pilipino ay hindi kumokonsumo ng mga palabas na mararahas, mahahalay, o labag sa moral ng mga Pilipino lalo na sa panahon kung kailan laganap na ang ilegal na droga, teenage pregnancy, at sexually transmitted diseases.
“It’s not more of censorship, but more of giving the young people the right ideas and information, and then they can make their own choices later on,” say ni Sen. Alan Peter.
Sinabi ring malayo na ang mararating ng paglalagay ng P10 milyon hanggang P15 milyon para sa mungkahing pananaliksik sa pagkamit ng nasabing layunin.
Bagay na inayunan naman ito ni Senador Jinggoy Estrada na siyang nag-presenta sa plenaryo ng panukalang budget ng MTRCB at medyo luma na nga raw ang batas na bumuo sa MTRCB at hindi na angkop sa mga hamon ng modernong panahon at digital age.
“Nakikinig ang pamilya ng MTRCB at sigurado ako na seryoso nilang isasaalang-alang ang mga balidong mungkahi ni Senator Cayetano,” sabi ni senator Jinggoy.
Sabi pa ni sen Caytano na para matiyak na balanse ang lalabas na resulta aya dapat gamiting basehan ng pananaliksik ay ang values ng sambayanang Pilipino at hindi ang personal na values ng chairperson ng MTRCB.
Aniya, “we do have to have a standard, and siguro the first standard is the Philippine Constitution, which mentions the Lord Almighty sa preamble pa lang.”
Naniniwala rin na kapag gumawa ng pelikula ay dapat maganda ang content, “hindi totoo na kailangan parating violence at sex para kumita.”
Related Chika:
Boy, Alan, Pia maraming natututunan sa mga nagrereklamo at inirereklamo sa ‘CIA with BA’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.