Single mom tinulungan ng mga host ng 'CIA with BA; Pia Cayetano may advice sa mga kabataang nai-in love agad | Bandera

Single mom tinulungan ng mga host ng ‘CIA with BA; Pia Cayetano may advice sa mga kabataang nai-in love agad

Ervin Santiago |November 02,2023
facebook
share this

Single mom tinulungan ng mga host ng ‘CIA with BA; Pia Cayetano may advice sa mga kabataang nai-in love agad

Ervin Santiago - November 02, 2023 - 08:04 AM

Single mom tinulungan ng mga host ng 'CIA with BA; Pia Cayetano may advice sa mga kabataang nai-in love agad

Pia Cayetano, Alan Peter Cayetano at Boy Abunda

ON-POINT talaga ang takeaway ni Sen. Pia Cayetano mula sa mga kaso na hinarap niya kasama ang kapatid na si Sen. Alan Peter Cayetano at Boy Abunda sa episode ng “CIA with BA” nitong Linggo, Oktubre 29.

Sa “Case 2 Face” segment, dumulog si “Dayday” upang ireklamo ang ex-partner ng kanyang anak at ina ng mga apo na si “Bunene”.

Ayon kay Dayday, pinagbantaan siya ni Bunene na kukunin nito ang kanyang apo na kasalukuyang nasa kanyang poder, para dalhin ang mga ito sa ibang bansa. Para kay Dayday, si Bunene ay isang napakairesponsableng magulang.

Pero sa gitna ng diskusyon, napag-alamang si Bunene ay kinse-anyos pa lang nang mabuntis ito ng anak ni Dayday.

Kinumbinsi nina Alan, Pia, at Boy ang dalawa na sa halip na ipaglaban ang karapatan nila sa pag-aalaga ng mga bata, mas makabubuti kung magkakapatawaran sila, magkaroon ng mabuting relasyon na parang tunay na mag-ina at magtulungan para sa ikabubuti ng mga bata.

Sa pagtatapos ng segment, nagkasundo naman sina Dayday at Bunene.

Baka Bet Mo: ‘Ina laban sa anak’: Mga isyu sa relasyon ng pamilya tutugunan ng ‘CIA with BA’

Dahil sa karanasan ni Bunene, naisip ni Pia na bigyan ng advice ang mga kabataan.

“You have to be your own peer counselors, you have to be your own support group sa friends niyo,” aniya.

“Masarap at nakakakilig ma-in love pero you have to talk about the consequences.

“Talk about it because kayo rin naman ang magko-convince sa mga kasama niyo na, you know, ‘wag magmadali,” dagdag pa ni Pia. “Kasi ‘pag ikaw ay naging single mom, napakahirap talaga!”

Nangako ang public service program na tutulungan si Bunene na makakuha ng scholarship upang matupad ang kanyang pangarap na maging teacher.

Baka Bet Mo: Boy Abunda, Alan Peter Cayetano ramdam na ramdam ang bigat ng kalooban ng mga nagrereklamo sa ‘CIA with BA’

Nangako rin ang mga host na tutulong sa pangangailangan ng mga anak ni Bunene tulad ng diapers at gatas.

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Wag palagpasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending