18 bawal at pwedeng gawin ng mga deboto ng Nazareno sa traslacion 2025
NGAYONG January 9, 2025 na magaganap ang inaabangang traslacion ng 40-taon imahen ng Poong Hesus Nazareno bilang bahagi ng taunang kapistahan nito.
Isasagawa ang traslacion o prusisyon ng mga deboto ng Nazareno mula sa Quirino Grandstand hanggang sa Quiapo Church.
Naglabas ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo ng ilang panuntunan at paalala sa lahat ng mga deboto ng Poong Nazareno na dadalo at makikiisa sa taunang traslacion.
Baka Bet Mo: McCoy sa Traslacion 2024: Wala akong masabi kundi salamat Poong Nazareno!
Sa naganap na presscon nitong nagdaang Biyernes, January 3, ibinahagi ng feast adviser na si Alex Irasga ang mga regulasyon at kautusan para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng deboto.
Narito ang mga pwede ay hindi maaaring gawin habang ginaganap ang prusisyon ng Mahal na Nazareno.
1. Huwag sumampa sa andas o sa karuwahe na kinalalagyan ng Itim na Nazareno.
2. Huwag itulak ang ibang deboto
3. Huwag magdala ng maraming bitbitin. Kung magdadala ng bag, piliin ang transparent para madaling mainspeksyon o masuri.
4. Kumain bago magsimula ang translasyon upang may sapat na lakas sa kabuuan ng prusisyon.
5. Huwag gumamit ng payong, caps, o hoodies.
6. Huwag magtayo ng camping tent, lamesa, o iba pang bagay na pang-picnic lalo na sa mga magpapalipas ng gabi.
7. Huwag magdala ng tumbler o mga may kulay na inuman. Kung magdadala ng tubig, ilagay sa transparent na lalagyan.
8. Huwag magdala ng drone cameras, professional cameras, at selfie sticks.
9. Huwag magdala ng portable appliances tulad ng stove o anumang uri ng pangluto.
10. Huwag magdala ng malaking bag.
11. Huwag magdala ng alak o nakalalasing na inumin.
12. Huwag magdala ng food sticks.
13. Huwag isama sa prusisyon ang mga alagang hayop.
14. Pinapayagan ang mga deboto na maghagis ng kanilang panyo upang ipunas sa imahen ng Poong Nazareno.
15. Kailangang maingat at maayos ang paghila sa lubid na nakakonekta sa andas.
16. Panatilihin ang kabanalan sa Misa at iwasan makalikha ng anumang makakaagaw ng atensyon.
17. Panatilihin ang kalinisan sa Quiapo Church at Quirino Grandstand. Itapon ang mga kalat sa basurahan.
18. Kung makararamdaman hindi maganda, mas mabuting manatili na lamang ang deboto sa gilid ng daan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.