Bianca Umali dinenay na nagli-live in na sila ni Ruru Madrid
PINABULAAANAN ng Kapuso actress na si Bianca Umali ang mga espekulasyon na kasal at nagsasama na raw sila sa isang bubong ng kapwa Kapuso actor na si Ruru Madrid.
Sa kanyang naging panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, October 29, natanong ang dalaga tungkol sa kanilang relasyon ni Ruru.
“Klaruhin natin. Kami po ni Ruru ay, of course, we are on our 7th-year-of-the-relationship. Of course, our conversations are there,” saad ni Bianca patungkol sa usaping kasal.
Pagpapatuliy niya, “Pero sa ngayon, mina-maximize po namin ang aming individual careers. At oo, madali lang pong sabihin na handa na kaming magpakasal. Because in our hearts, we are really ready.”
Baka Bet Mo: Bianca Umali: Alam kong ikakasal ako at bubuo ako ng pamilya ko
View this post on Instagram
Ngunit paglilinaw niya bagamat handa na ang puso nila ay walang katotohanan ang chika na kasal na sila.
“Hindi pa po kami kasal. At definitely, hindi po kami magsasama nang hindi kami kasal,” paglilinaw ni Bianca.
Matatandaang nasabi na rin noon ng dalaga na wala sa isip nila ni Ruru ang mag-live in dahil taliwas at labag ito sa turo sa kanilang relihiyon.
Una kasing lumabas ang chika na tila ikakasal naxang dalawa nang may ma-ispluk si Bianca nang mag-guest ito sa “It’s Showtime.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.