Bianca Umali: Alam kong ikakasal ako at bubuo ako ng pamilya ko

Bianca Umali: Alam kong ikakasal ako at bubuo ako ng pamilya ko

Ervin Santiago - July 04, 2024 - 06:10 AM

Bianca Umali: Alam kong ikakasal ako at bubuo ako ng pamilya ko

Ruru Madrid at Bianca Umali

NAGSALITA na nang tapos ang Kapuso actress na si Bianca Umali na sa kasalan na rin mauuwi ang love story nila ng kanyang boyfriend na si Ruru Madrid.

Iyan ang naging pahayag ni Bianca nang muling matanong kung nagpaplano na sila ni Ruru tungkol sa kanilang dream wedding.

Baka Bet Mo: Buntis na singer-actress pinayuhang huwag nang magpakasal sa tatay ng anak

Rumampa kasi ang Kapuso star sa isang bridal fashion show sa Maynila para sa bagong collection ng fashion designer na si Joe San Antonio. Naroon din si Ruru sa event para suportahan ang girlfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Kaya naman isa sa mga naitanong sa aktres sa panayam ng GMA 7 ay kung sa kasalan na nga ba mauuwi ang pagmamahalan nila ni Ruru.

Suot ang kanyang mini white dress na custom designed daw talaga para sa kanya, sinabi ni Bianca na looking forward na rin siya sa pagpapakasal kay Ruru pati na rin sa pagbuo ng sarili nilang pamilya.

“Alam ko na ikakasal ako and bubuo ako ng pamilya ko. I am lucky na I have already chosen the person that I do want to marry,” sey ni Bianca.

Baka Bet Mo: Jennylyn Mercado biglang napaanak, magpapa-check up lang sana

Sabi naman ng lead star ng Kapuso Prime series na “Black Rider”, nakikita na rin niya ang sarili bilang asawa ni Bianca. Pero naniniwala pa rin siya sa perfect timing.

“Kusa na lang, mararamdaman na ‘yan. Hindi natin masasabi kung kailan pero alam kong malapit na,” sey ni Ruru.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)


Sa isang panayam ay inamin ng celebrity couple na dumaan din ang relasyon nila sa matinding pagsubok pero napagtagumpayan nga nila ang lahat ng ito.

Sa ngayon, mas naging solid at strong pa raw ang kanilang relasyon. Sey ni Bianca, “It has been one heck of a ride, honestly. There’s no specific words that could really describe, pero it’s a journey that, we actually also are surprised that we have been surviving and we are still enjoying it together.”

Ngayong taon, ise-celebrate na ng Kapuso couple ang kanilang 6th anniversary as a couple.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, kasama ang Kapuso couple sa magaganap na “Sparkle World Tour 2024” partikular na Tokyo, Japan with other Sparkle artists na sina Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Jillian Ward, Ken Chan at Betong Sumaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending