Jennylyn Mercado biglang napaanak, magpapa-check up lang sana | Bandera

Jennylyn Mercado biglang napaanak, magpapa-check up lang sana

Therese Arceo |May 02,2022
facebook
share this

Jennylyn Mercado biglang napaanak, magpapa-check up lang sana

Therese Arceo - May 02, 2022 - 02:14 PM

Jennylyn Mercado biglaang napaanak, magpapa-check up lang sana

HINDI inaasahan ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado na ang kanyang simpleng pagpapa-check up ay mauuwi sa panganganak.

Base sa inilabas niyang YouTube vlog, ipinanganak na niya ang kanilang baby girl ng long time partner na si Dennis Trillo noong nakaraang linggo.

Sa unang parte ng vlog ay nagkaroon si Jennylyn ng nursery room tour pero sa bandang dulo ay mapapanood ang revelation na nanganak na ito.

Dapat daw talaga ay regular check up lang ang dahilan kung bakit sila pupunta ng ospital ngunit bigla na lang nagkagulatan nang sabihing manganganak na siya.

“Check up lang dapat kami ngayon rh, bigla na lang kaming manganganak na raw. Hindi kami ready,” saad ni Jennylyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

Aminado naman si Dennis na kinabahan siya habang hinihintay ang asawa at anak.

Sa dulong bahagi ng vlog ay lumabas ang larawan ni Jennylyn habang nanganganak katabi si Dennis sa loob ng operating room.

Marami tuloy ang curious kung ano ang itsura ng kanilang baby girl pero malamang ay ibabahagi rin nila ito sa kanilang next vlog.

“Congrats ate Jennylyn and to the both of you excited to see your first baby stay safe and healthy for you and to both of you and to the baby. Waiting!’ cxomment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Welcome to the world, Baby D! God bless you! 👶 Warm congratulations, Dennis and Jennylyn! thank you for sharing your love journey with us!”

Hirit namang ng isang netizen, “Beautiful Momma. Can’t wait to see your baby girl. Avid fan here since day 1 sa starstruck!!! God bless your family!”

Matatandang noong Oktubre ng nakaraang taon ay nagkaroon sila ng gender reveal kasabay ng kanilang kasal kung saan ibinahagi nila na babae ang kanilang magiging anak.

Congratulations, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jennylyn, Dennis ikakasal na; magkaka-baby na rin!

Jennylyn, Dennis lumipat muna sa condo: Halos lahat ng tao sa bahay namin ay nag-positive sa COVID

Jennylyn sa taro cards unang nakumpirma ang pagbubuntis; dinugo habang nasa taping ng ‘Love, Die, Repeat’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending