Buntis na singer-actress pinayuhang huwag nang magpakasal sa tatay ng anak
“SA tingin ko hindi mauuwi sa kasalan sina ____ (singer-actress) at dyowa niya kasi lahat sinasabihan siyang ‘wag na dahil baka mas lalong magkaproblema.”
Ito ang itsinika ng common friend namin ng bida sa blind item na ito.
Nasa interesting stage kasi ngayon ang singer-actress at ang lalaking nagpapasaya sa kanya ay hindi tanggap ng ilang taong nasa paligid niya dahil may excess baggage ang guy.
“Uso naman ang single mom, di ba? Okay na ‘yung may anak siya, pero kung magpapakasal siya tapos ang daming bagahe nu’ng lalaki, e, madadamay pa si _____ (singer-actress).
“Ang dami ngang nagpayo sa kanya na okay na ‘yang magdyowa siya tapos kapag hindi na sila magkasundo, e, di mas madaling maghiwalay.
“Kaysa ikasal, mas mahirap paano na? E, ang mahal ng annullment ngayon ‘no?” dire-diretsong kuwento ng common friend namin ng kilalang singer-actress.
Sabagay, kapag tinatanong naman ang singer-actress tungkol sa usaping kasal ay lagi niyang katwiran na prayoridad ang magiging anak niya.
At ito muna ang pagtutuunan niya ng pansin, pero hindi naman niya itinatanggi na sobrang ligaya niya ngayon at tanggap niya kung ano ang estado ng boyfriend sa kasalukuyan.
“Malalaman mo ang desisyon next year kung may kasalang magaganap, pero sa tingin ko, waley!” sabi ng kausap naming kakilala rin ng singer-actress.
Abangan ang susunod na kabanata.
* * *
Nagbabalik ang F4 fever sa Pilipinas dahil dadalhin ng ABS-CBN sa Pinoy viewers ang “F4 Thailand: Boys Over Flowers” sa iWantTFC simula ngayong Sabado (Dis. 18), 9:30 p.m. (Manila time), kasabay ng airing nito sa Thailand.
Ipalalabas din ang serye sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z ngayong Linggo (Dis. 19) ng 8:30 p.m.
Tampok sa Thai adaptation ng sikat na Asianovela ang sikat na young Thai stars na sina Tu Tontawan, Nani Hirunkit, Dew Jirawat, Win Metawin, at Bright Vachirawit.
Susundan ng serye si Gorya (Tu), isang masipag na dalagang nagmula sa isang simpleng pamilya at makakapasok sa isang prestihiyosong paaralan. Dito niya makikilala ang naggagwapuhang mga miyembro ng grupong F4 na kinabibilangan sina Thyme (Bright), Ren (Dew), Kavin (Win), at MJ (Nani).
Bukod sa pagiging mayaman at maimpluwensiya, kilala rin sa pambu-bully ang F4 kaya’t kinatatakutan sila ng mga estudyante.
Si Gorya naman ang magiging bagong target ng F4 ngunit harap-harapan niyang ipapahiya ang lider na si Thyme at papalag sa mga pananakot nito. Dahil sa tapang na ipapakita ni Gorya, ang nag-iisang taong pumalag sa F4, unti-unting magkakagusto si Thyme sa kanya.
Susubukan ni Thyme na ligawan si Gorya ngunit mauuwi sa love triangle ang kanilang kwento dahil magkakagusto rin sa isa’t isa sina Gorya at Ren.
Magtatalo ang puso ni Gorya para kina Thyme at Ren kaya mas magiging kumplikado ang kanilang pagkakaibigan, at maging ang kani-kanilang mga pamilya ay mangingialam sa relasyon nila.
Base sa classic Japanese manga na “Hana Yori Dango,” ang “F4 Thailand: Boys Over Flowers” ang pinakabagong Thai series na napapanood sa Pilipinas bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN sa Thai content company na GMMTV.
ABS-CBN din ang nagdala sa bansa ng orihinal na “Meteor Garden” mula sa Taiwan, ang 2018 Chinese remake nito, pati na rin ang “Boys Over Flowers” mula sa South Korea.
https://bandera.inquirer.net/287366/ate-gay-halos-p1-m-ang-hospital-bill-kung-walang-work-mga-kapatid-ko-baka-patay-na-ako-ngayon
https://bandera.inquirer.net/289206/kris-bernal-hindi-na-naman-pwedeng-makipagkita-sa-fianc-baka-magkita-kami-sa-mismong-kasal-na-namin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.