Bianca sa breakup nila ni Ruru: 'Di ko kayang mahiwalay sa kanya

Bianca sa breakup nila noon ni Ruru: Hindi ko kayang mahiwalay sa kanya

Ervin Santiago - June 24, 2024 - 07:20 AM

Bianca sa breakup nila noon ni Ruru: Hindi ko kayang mahiwalay sa kanya

Ruru Madrid at Bianca Umali

MASASABING nagpakamartir din ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Ruru Madrid.

Sa kabila ng mga red flags at iba pang matitinding challenges na napagdaanan nina Bianca at Ruru, mas pinili pa rin nilang mahalin at tanggapin ang isa’t isa.

Inamin ni Bianca na nasukat ang love  nila sa isa’t isa ni Ruru nang mag-away at maghiwalay sila noon dahil sa selos na umabot pa sa isang mala-teleseryeng  eksenang nangyari sa parking lot.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid puring-puri ng mga pambatong action stars sa Pinas: ‘Sobrang starstruck po talaga ako sa kanilang lahat!’

Kuwento ng dalaga sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday, June 20, “Pangalawang taon ng relasyon namin is actually the consequences of what happened in the first year.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“‘Yung second year namin is actually that year na we were looking and working on deciding whether we wanted to choose and stay with each other. Doon talaga namin nasukat ‘yung pagmamahal namin,” paglalahad ng Kapuso star.

“To share also, naghiwalay kami for a while. Hindi niya hinayaan na hindi kami magkasama, na talagang mawalan kami ng communication, but the relationship became cold.

“And so I wasn’t really reciprocating every time he told me that he loved me and also he was very apologetic sa kung ano ‘yung nagawa na mali,” dugtong ng aktres.

Kasunod nito, naikuwento ni Bianca ang nangyari sa kanila ni Ruru sa parking lot ng isang mall kung saan nag-away nga ang magdyowa. Matinding selosan daw ang naging ugat ng naturang pangyayari.

Baka Bet Mo: Ruru naiyak sa pasorpresa ni Bianca sa Korea; Dingdong super in love pa rin kay Marian, may good news para sa mga Kapuso

Pagkatapos nito ay naghiwalay nga ang celebrity couple pero nanatili raw ang komunikasyon nila sa isa’t isa. Pag-amin ni Bianca, “Sa totoo lang, kahit na I was in pain, hindi ko rin kaya na mahiwalay sa kanya.

“But that whole year after the first year, ‘yun ‘yung tinatrabaho namin na at the end of that year, na-realize namin na sa hirap at ginhawa, kung anuman ang mali, kung ano man ang masakit at masaya sa mga puso namin, pinili namin na mag-stay kasama ang isa’t isa,” saad ng dalaga.

“Hindi kasi kami nag-sugar coat sa isa’t isa. We respected each other’s feelings na alam kong nakasakit siya, alam niyang nasaktan ako, and we were learning together still throughout that process na he let me heal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“And I know that he was healing as well kasi alam kong nasaktan din niya ‘yung sarili niya, and nasasaktan siya na hindi ko naipaparamdam na may tiwala ako sa kaniya at mahal na mahal ko siya the same way that he realize he does for me,” paliwanag ng aktres.

Sa ngayon, mas naging solid at strong pa raw ang kanilang relasyon, at hindi nga raw sila makapaniwala na napagtagumpayan nila ang mga pagsubok sa kanilang relasyon.

“It has been one heck of a ride, honestly. There’s no specific words that could really describe, pero it’s a journey that, we actually also are surprised that we have been surviving and we are still enjoying it together,” sey ni Bianca.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong taon, ise-celebrate na ng Kapuso couple ang kanilang 6th anniversary as a couple.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending