Sharon payag bawasan ang talent fee makasama lang si Julia sa pelikula: 'Aalagaan at mamahalin ko siya na parang tunay na anak' | Bandera

Sharon payag bawasan ang talent fee makasama lang si Julia sa pelikula: ‘Aalagaan at mamahalin ko siya na parang tunay na anak’

Ervin Santiago |January 30,2023
facebook
share this

Sharon payag bawasan ang talent fee makasama lang si Julia sa pelikula: ‘Aalagaan at mamahalin ko siya na parang tunay na anak’

Ervin Santiago - January 30, 2023 - 08:05 AM

Sharon payag bawasan ang talent fee makasama lang si Julia sa pelikula: 'Aalagaan at mamahalin ko siya na parang tunay na anak'

Julia Montes at Sharon Cuneta

IYAK nang iyak si Julia Montes nang magbitiw sa kanya ng pangako ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.

Naging close ang dalawang Kapamilya stars matapos magkasama sa ABS-CBN action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbidahan ni Coco Martin.

Ayon kay Julia, ramdam na ramdam niya ang totoo at sinserong pagmamahal sa kanya ni Mega kaya naman aalagaan at iingatan niya ang tiwalang ibinibigay ng movie at TV icon sa kanya.

“Sa mundo natin (showbiz), may taping friends, may co-workers lang. Ito masasabi mo na ‘yung in-offer sa iyo na love ni Megastar, ni mommy Sha, ay hindi ganoon.

“Alam mong on and off cam ay nandiyan siya for you. Maki-keep ko ‘yung love talaga at ‘yun ang matse-cherish ko. Naging thankful ako kung bakit ako napasok sa ‘Ang Probinsyano’ part doon si mommy Sha,” pahayag ni Julia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sharon Cuneta Network (@sharoncunetanetwork)


At ang promise naman ni Ate Shawie sa rumored partner ni Coco, “Forever nandito ako habang nabubuhay ako. Mommy niya ako, anak ko siya.

“I will protect her, I will treasure her friendship and her being my daughter that I chose to be my daughter and she chose me to be a mommy also.

“Forever and ever I will treasure that. Mapagkakatiwalaan niya ako sa ups and downs,” pahayag pa ng Megastar.

Dagdag pa niyang mensahe kay Julia, “Aalagaan ko siya, mamahalin ko siya na parang tunay na anak at lagi akong nandito to protect her, damayan siya at ipadama sa kanya kung mayroon man siyang hindi nadama, kasi ‘yon din ang ibinibigay niya sa akin.”

Pagbabahagi pa ni Julia sa friendship nila ni Sharon, “Unexplainable kung paano kami naging close.

“Kasi lahat naman eventually kapag may nakatrabaho ka magiging close mo pero kay mommy Sha parang naging special lang talaga kasi may in-answer si God na question mo for ilang years at ‘yun ang ibinigay niya, ‘yung napag-usapan namin,” lahad pa niya.

Chika pa ni Sharon, isa sa mga wish niya ngayong 2023 ay muli silang magkatrabaho ni Julia kahit pa raw  bawasan na ang kanyang talent fee.

“Star Cinema penge namang movie with Julia. Kay Julia ko lang babawasan ang suweldo ko. Makasama ko lang ang anak ko,” natatawa pang pahayag ni Sharon.

Promise ni Chito para sa birthday ni Neri: Aalagaan kita…gusto ko maging the best na daddy at asawa

Sharon Cuneta super love si Julia Montes: Sana ako na lang nagsilang sa ‘yo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden umaming ‘pera-pera’ lang ang dahilan kung bakit gustong mag-artista noon; iyak nang iyak nang matalo sa StarStruck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending