Sharon pang-sexy star na ang katawan; parang sister lang ni Julia

Sharon pang-sexy star na ang katawan; sister lang ni Julia ang awrahan

Ervin Santiago - February 19, 2025 - 12:48 PM

Sharon pang-sexy actress na ang katawan; sister lang ni Julia ang awrahan

Sharon Cuneta at Julia Montes

NAPA-WOW at napanganga ang mga dumalo sa grand mediacon ng ABS-CBN para sa TV airing ng Prime Video series na “Saving Grace” nang makita ang Megastar na si Sharon Cuneta.

In fairness, mukhang dalaga at parang hindi pa magsi-senior citizen si Ate Shawie sa awrahan niya ngayon dahil bukod sa super payat na ay ang fresh-fresh pa ng kanyang itsura.

Muling humarap si Sharon sa members ng entertainment press sa naganap na grand mediacon ng Kapamilya series na “Saving Grace: The Untold Story” na finally ay ipalalabas na sa free TV at iba pang platforms ng ABS-CBN.

Dito nga nagulat ang ilang press people at vloggers pati na ang mga Sharonians dahil wala sa mukha ni Mega ang magsi-60 years old na na next year.

Baka Bet Mo: Julia lalaban kontra-child abuse; Sharon, Janice patalbugan sa aktingan

Comment nga ng isang nasa presscon, parang magkapatid lang sila ng co-star niya sa ‘Saving Grace: The Untold Story” na si Julia Montes dahil nga sa kanyang fit and healthy body at super young niyang itsura.

Biro nga namin sa mga kapwa showbiz editor at reporter, parang pang-sexy actress na ang kanyang katawan at siguradong papasa rin siya sa Vivamax!

Pero grabe naman ang hirap at sakri­pisyo ni Mega sa kanyang fitness journey na nagsimula nine years ago. Sey niya sa isang Instagram post, “I decided to lose weight slowly on my 50th birthday (2016). It’s been 9 years of losing weight, gaining weight again, being happy and inspired, feeling disappointed and frustrated.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)


“So I finally decided to step it up and lose the last se­veral pounds this year. Nakakapagod. Nakakaiyak. Nakakagutom.

“Lahat na yata ng diyeta ginawa ko. Pero focused na now. Praying tuloy-tuloy na! Please pray for me. Excited na mamili ng mga damit na talagang gusto ko. But most of all, para super healthy na talaga!”

Samantala, lalong madudurog ang puso ng sambayanang Pilipino dahil buong-buo nang mapapanood ang “Saving Grace: The Untold Story,” tampok ang ilang mga bagong eksena na pinagbibidahan nina Julia Montes, Zia Grace, at Sharon Cuneta.

Gabi-gabi itong ipalalabas sa primetime TV simula March 3, 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Handog ng “Saving Grace: The Untold Story” ang ilan pang mga makabagbag-damdaming eksenang hindi pa ipinapalabas noong nag-premiere ito sa Prime Video, kung saan namayagpag ito bilang numero unong show.

Napukaw ang damdamin ng mga manonood ng “Saving Grace” dahil sa mahusay na pagganap ng cast sa kwentong sumasalamin sa mga sakripisyo ng bawat ina para sa kani-kanilang mga anak.

Malaking rebelasyon din sa serye si Zia, kung saan binansagan siya ng mga manonood bilang next big child star ng Pilipinas. Pinuri si Zia para sa kanyang natatanging pagganap sa isang batang inaabuso ng sariling ina.

Ang “Saving Grace: The Untold Story” ay tungkol sa pag-kidnap ni Anna (Julia) sa estudyante niyang si Grace (Zia) nang malaman niya ang pang-aabusong natatanggap nito mula sa sariling ina.

Mas lalong matutuklasan din sa serye ang iba’t ibang kwento sa likod ng masalimuot na nakaraan ng apat na nanay na ginagampanan nina Jennica Garcia, Janice De Belen, Julia, at Sharon. Kasama rin dito sina Sam Milby, Elisse Joson, Eric Fructuoso at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan gabi-gabi ang “Saving Grace: The Untold Story” simula ngayong Marso 3 (Lunes) ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending