Julia lalaban kontra-child abuse; Sharon, Janice patalbugan sa aktingan
SA 2025 pa mapapanood ang Kapamilya drama series na “Saving Grace” starring Julia Montes, Sharon Cuneta, Janice de Belen at Sam Milby.
Pero in fairness, ngayon pa lang ay abangers na ang madlang pipol sa nasabing serye dahil excited na silang mapanood uli sa TV si Julia at ang unang pagsasama nina Janice at Mega sa isang acting project.
Tagos sa pusong mga karakter ang gagampanan nina Julia, Janice, Sharon at Sam sa “Saving Grace,” ang Philippine adaptation ng hit Japanese drama na “Mother” mula sa Nippon TV.
Baka Bet Mo: Julia Montes iniligtas ni Deo Endrinal, natakot sa ‘Saving Grace’
Sa teasers pa lang na ipinasilip ng Dreamscape Entertainment, agad na naiyak ang viewers sa mensahe ng kwento na iikot sa child abuse at domestic violence.
Inaabangan din kung paano bibigyang-buhay nina Julia, Janice, Sharon at Sam, kasama ang iba pa nilang co-stars tulad nina Jennica Garcia at Christian Bables, ang kani-kanilang mga karakter.
View this post on Instagram
“Ang ganda ng lesson and story na gustong sabihin ng serye. Lagi kong tanong kung kaya ko pa ba kasi nate-tense din ako. Kailangan abangan ‘yung mga batuhan ng linya na magaganap,” sabi ni Julia na gagampanan ang papel bilang si Anna, ang guro na mapapamahal sa batang inaabuso.
Extra special din ang serye para kina Janice at Sharon dahil ito ang unang beses nilang magka-katrabaho sa isang proyekto.
“Napanood ko ‘yung original and in fact, naiyak nga ako kaya alam ko na agad na heavy drama siya. Siyempre gusto kong maka-eksena si Mega.
“Because I know people are also waiting to see how our dynamic is going to be given our colorful past,” ayon naman kay Janice.
“I promise I will give my best in this project, lalo na since dalawang taon akong nagpahinga sa TV. I’m really excited kasi ‘yung ibang cast first time kong makakasama,” chika ni Sharon tungkol sa kanyang pagbabalik-teleserye.
Baka Bet Mo: Ice Seguerra naloko sa pera, savings sa bangko nilimas: Nagantso kami ng isang tao na akala namin kamag-anak
Makikilala rin sa serye si Zia Grace bilang si Grace, ang pinakabagong child actor na dudurog sa puso ng mga manonood sa pagganap niya bilang isang inaabusong anak na naghahanap ng pagmamahal ng isang ina.
View this post on Instagram
Excited na rin ang viewers para sa serye matapos ilabas ng ABS-CBN ang ilang videos na ipinapakita ang unang araw ng taping ni Julia, pati na rin ang look test, behind-the-scenes photos, at script reading preparations ng cast.
Kabilang din sa “Saving Grace” sina Sophia Reola, Eric Fructuoso, Adrian Lindayag, Aya Fernandez, Mary Joy Apostol, Andrez Del Rosario, Fe de los Reyes, at Elisse Joson. Magsisilbing mga direktor naman sina FM Reyes at Dolly Dulu.
Abangan ang “Saving Grace” sa Primetime Bida sa darating na 2025.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.