Kaila Estrada hindi pa handang makatrabaho sina Janice de Belen at John Estrada: Nahihiya akong magkamali

Kaila Estrada hindi pa handang makatrabaho sina Janice de Belen at John Estrada: Nahihiya akong magkamali

Therese Arceo |November 17,2023
facebook
share this

Kaila Estrada hindi pa handang makatrabaho sina Janice de Belen at John Estrada: Nahihiya akong magkamali

Therese Arceo - November 17, 2023 - 12:08 PM

Kaila Estrada hindi pa handang makatrabaho sina Janice de Belen at John Estrada: Nahihiya akong magkamali

Kaila Estrada

INAMIN ng Kapamilya actress na si Kaila Estrada na sa ngayon ay hindi pa siya ready na makasama sa trabaho ang mga magulang na sina Janice de Belen at John Estrada.

Sa kanyang interview kay Ogie Diaz na uploaded nitong Huwebes, November 16, nausisa ang “Linlang” star kung bet nga ba niyang makatrabaho ang mga magulang someday bilang pare-parehas silang nasa showbiz industry.

Sagot ni Kaila, sa ngayon ay hindi pa siya handa na makasama sa iisang proyekto ang mga magulang.

“May ganung factor, parang nahihiya ako, parang sa ngayon, di ko siya ma-imagine. Siguro kasi, nahihiya akong magkamali sa harap nila. I think that’s part of it.

“Tsaka siyempre, it’s a different environment. Yung work environment, so hindi ako sanay na kasama sila sa ganung environment, pero someday, sana maka-work ko sila,” pagbabahagi ni Kaila.

Pero sa ngayon raw ay ayaw muna niya.

Baka Bet Mo: Kaila Estrada gusto ring maging action star at gumanap na psycho: ‘I’m very inspired by Anne Curtis’ movie na Buy-Bust’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nais pa ni Kaila na maka-gain ng mga experiences sa pag-arte bago siya sumabak sa aktingan kasama sina Janice at John.

“Oo, parang gusto ko mung mag-gain yung experience, confidence, bago mangyari yung moment na yun na mag-work kami, but someday,” sey pa ng aktres.

Nakikita naman ni Kaila na magiging masaya ang experience niya sakaling makatrabaho na niya ang mga magulang.

Isa ang dalaga sa mga puring-puring artista ngayon ng madlang netizens lalo na sa magaling nitong pag-arte sa hit series na “Linlang” kung saan kasama niya sina Kim Chiu, Paulo Avelino, at JM de Guzman.

Super happy nga si Kaila dahil unti-unti na siyang nakikilala dahil sa sarili niya at hindi na masyadong naba-brand bilang “anak ni Janice” o “anak ni John”.

“Kapag ganun po kinikilig ako talaga kasi ngayon ko lang po ‘yun na-experience e. ‘Yung instead of it being ‘Oh, anak ni Janice’ o ‘anak ni John’, parang nakikilala na nila ako for my own characters kaya natutuwa ako.

“Although grateful pa rin naman ako sa pagiging anak ni Janice pero ‘wag lang akong tawaging tyanak,” natatawang sey ni Kaila.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaila Estrada humingi ng acting tips kay Janice de Belen bago sumabak sa ‘Linlang’, bakit palaging nagso-sorry kay Kim Chiu?

Kaila Estrada hindi nape-pressure bilang ‘anak ni Janice’: My mom is a legend, I have a long way to go…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending