Video ni Vice Ganda na nilagpasan si Janice de Belen sa pagbibigay chicharon, viral: Natatakot ako sa maaaring gawin sa akin ni Leona! | Bandera

Video ni Vice Ganda na nilagpasan si Janice de Belen sa pagbibigay chicharon, viral: Natatakot ako sa maaaring gawin sa akin ni Leona!

Therese Arceo |August 24,2023
facebook
share this

Video ni Vice Ganda na nilagpasan si Janice de Belen sa pagbibigay chicharon, viral: Natatakot ako sa maaaring gawin sa akin ni Leona!

Therese Arceo - August 24, 2023 - 06:28 PM

Video ni Vice Ganda na nilagpasan si Janice de Belen sa pagbibigay chicharon, viral: Natatakot ako sa maaaring gawin sa akin ni Leona!
ALIW na aliw ang mga netizens sa video clip nina Vice Ganda at Janice de Belen na nagte-trending ngayon sa social media.

Ang naturang video ay kuha mula sa Wednesday episode ng “It’s Showtime” sa segment na “Mini Ms. U” kung saan hindi sinasadya ng komedyante na lagpasan ang batikang aktres nang pakuha na ito ng chicharon na hawak-hawak niya.

Nakatakda kasing sumabak sa aktingan ang batang contestant mula sa Caloocan at inimbitahan ni Vice ang mga huradong sina Janice de Belen, Gladys Reyes, at Niño Muhlach sa stage para maging parte ng aktingan.

Ang siste ay sasawayin ng bata ang kanyang ama na may high blood na hindi tumitigil sa pagkain ng mga bawal para sa kanya.

Dito ay iniikot ni Vice ang bowl na puno ng chicharon at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nalagpasan niya si Janice na akmang kukuha ng chicharon.

Agad namang nakarating sa “It’s Showtime” host ang video clip na kalat na sa X (dating Twitter) kaya naman humingi ito ng paumanhin sa segment ng “Tawag Ng Tanghalan”.

Sey ni Vice, “”Bago ang lahat, gusto ko lang humingi ng paumanhin kay Ms. Janice de Belen. Nakita ko yung video. May part pala roon hawak ko yung chicharon inaalok ko sa kanila.

“Tapos kukuha si Janice, hindi ko siya napansin tapos tinanggal ko. Kitang-kita dun sa video, kalat na kalat sa Twitter… Janice, I love you! Hindi ko napansin, kumukuha ka pala ng chicharon.”

Baka Bet Mo:  Vice hinding-hindi iiwan si Awra pero inaming pinagpahinga muna: ‘Para mahimasmasan, ako rin pahuhupain ko kasi galit ako, mainit din ang ulo ko’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Biro pa niya, nagalit raw si Leona sa kanya, ang karakter ni Janice sa “Dirty Linen”.

“Oo. ‘Day, nagalit si Leona sa akin, pinagbabalakan na ako masama ni Leona ng Dirty Linen,” chika pa ni Vice.

Muli namang ibinahagi ng komedyante sa Twitter ang video ng chicharon encounter nila ni Janice.

“Oh my gooossshhh di ko nakita kukuha pala si Janice! Waaahhh!!!! Im sorry Janice! Love u! #ShowtimeCutieverse” tweet ni Vice.

Sabi pa niya sa hiwalay na quote tweet, “Natatakot ako sa mga maaaring gawin sakin ni Leona! Tulungan nyo ko!”

Pabiro namang sinagot ni Janice ang tweet ni Vice.

“At ngayong alam na ng lahat ako ang pumatay kay olivia! Humanda ka na!!!” pabirong pagbabanta ni Janice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Hugot ni Janice sa ‘cheating’: Ang daling magpatawad, sasabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli’, pero ganu’n pa rin

Madlang people nakisimpatya matapos mapanood ang pag-iyak ni Vice Ganda sa ‘It’s Showtime’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending