Promise ni Chito para sa birthday ni Neri: Aalagaan kita...gusto ko maging the best na daddy at asawa | Bandera

Promise ni Chito para sa birthday ni Neri: Aalagaan kita…gusto ko maging the best na daddy at asawa

Ervin Santiago |September 07,2021
facebook
share this

Promise ni Chito para sa birthday ni Neri: Aalagaan kita…gusto ko maging the best na daddy at asawa

Ervin Santiago - September 07, 2021 - 02:47 PM

Neri Naig at Chito Miranda

“GUSTO kong maging the best na asawa!” Ito ang bahagi ng nakakakilig na birthday message ni Parokya Ni Edgar frontman Chito Miranda para sa kanyang wifey na si Neri Naig.

Maraming kinilig sa pagpapahayag ng unconditional love ng OPM icon para sa kaarawan ni Neri ngayong araw, Sept. 7, sa pamamagitan ng kanyang social media page.

Ipinost ni Chito ang litrato ng aktres at negosyante sa Instagram kalakip ang kanyang mensahe. Aniya, “Happy Birthday, Ms. Neri!!!”

“Alam ko sablay ako palagi pagdating sa mga birthday mo, pero promise, gusto ko talaga galingan. Just like everything else, gusto ko talaga galingan para sa ‘yo,” pahayag ng award-winning singer-songwriter.

Patuloy pa niyang mensahe para kau Neri, “Gusto ko maging the best na daddy kay Miggy at kay Cash. Gusto ko maging the best na asawa. Gusto ko perfect ang score ko pagdating sa pag-alaga, at pag-aasikaso sayo.

“Gusto ko feeling mo palagi kang safe dahil sa akin. Tuwing iniisip mo tayo, gusto ko secured ka na makakasama, at magtatawanan tayo hanggang sa pagtanda, at alam mo, without a doubt, na never kita papabayaan,” sey pa ng musikerong mister ni Neri.

Pangako pa niya kay misis, “Aalagaan kita, I will always cherish you, kasi ikaw ang greatest blessing sa akin ni God.

“Happy Birthday, Ms. Neri!! (heart emoji),” aniya pa.

Sinagot naman ng aktres at tinaguriang wais na misis ang paandar na birthday message ni Chito.

Aniya, “I love you so much!!! Isa ka rin sa pinakamalaking blessings sa buhay ko. Tahimik at simpleng buhay lang. (heart emoji).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko alam bakit bawal na mahabang ppost sa asawa ngayon? Haha! Nababasa ko sa comments,” sey pa ni Neri.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending