Alex Gonzaga diniretso si Mikee: Feeling ko na-betray ako

Alex Gonzaga diniretso si Mikee: Feeling ko na-betray ako

Therese Arceo |April 30,2024
facebook
share this

Alex Gonzaga diniretso si Mikee: Feeling ko na-betray ako

Therese Arceo - April 30, 2024 - 10:26 PM

Alex Gonzaga diniretso si Mikee: Feeling ko na-betray ako

NAGKAROON ng seryosong pag-uusap sina Alex Gonzaga at Mikee Morada ukol sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Sa latest vlog ng TV host-actress na uploaded Linggo, April 28, na pinamagatang “Honest and Serious Conversation with my Husband” naibahagi ng dalawa na dumaraan sila sa challenging phase ng kanilang marriage.

“Recently, our marriage went through a challenging situation but by God’s grace we were able to come out of it stronger and closer,” saad ni Alex sa description ng kanyang vlog.

Pagpapatuloy niya, “It really depends on how much you and your partner value your marriage. Mahirap pero laging makakaya basta nagmamahalan. Thank you Lord Jesus for being the cornerstone of our relationship.”

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga sa mga couple na wala pang anak: ‘Alagaan muna ang isa’t-isa’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Recently, we faced a… for me it’s major problem. Bakit nga parang iyon ‘yung na-consider natin na mabigat?” tanong ni Alex sa asawa habang kumakain.

Natatawang sagot naman ni Mikee, “Ewan ko sa ‘yo.”

Hindi naman na idinetalye pa ni Alex kung ano ang kanilang pinagdaraanang problema ngunit nilinaw nila na hindi ito ang naging miscarriage niya.

“Kasi, ‘yung miscarriage naman, hindi naman kasi ‘yun controlled natin. Parang it happened and then, we accepted it right away kasi alam natin na hindi natin kontrol ‘yun.

“What happened recently was may control tayo pero hindi natin… partly feeling ko, mali rin ako nu’n because I let you. Hindi ko… may instinct ako pero hinayaan kita,” saad ni Alex.

Matapos nito ay natanong naman ni Mikee ang asawa kung ano ang kanyang natutunan sa nangyari.

“So, anong natutunan mo du’n sa nangyari sa atin? Feeling mo, maghihiwalay tayo nu’n?” usisa ni Mikee.

Sey naman ni Alex, “Hindi. Ako siguro, parang dahil first time natin na-experience ‘yung ganu’ng klaseng problema na feeling ko na-betray ako.”

Pakiramdam raw ng TV host ay hindi niya alam kung paano magmu-move forward sa nangyari ngunit na-realize niya na isa lang ang nangyari sa marami pa nilang pagdadaanang mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, feeling ko, major siya, nasaktan talaga ako na feeling ko dapat… parang hindi ko alam kung paano magmu-move forward. But na-realize ko na isa pa lang ‘to, ito pa lang ang una nating hardship so, hindi ako dapat mag-give-up. Hindi tayo dapat mag-give-up,” ani Alex.

Inamin rin naman ni Mikee na may pagkakamali rin siya sa nangyari at nangakong hindi na ito mauulit.

Chika naman ni Alex, bagamat maliit lang kung titignan ngunit malaki ang naging impact ng nagawa ng kanyang mister sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending