Toni manhid na sa mga laitera; Alex pinatawad kinasuhang basher

Toni manhid na sa panlalait ng bashers; Alex pinatawad kinasuhang basher

Ervin Santiago - October 21, 2024 - 12:35 AM

Toni manhid na sa panlalait ng bashers; Alex pinatawad kinasuhang basher

Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Daddy Bonoy at Mommy Pinty

WALA nang epek sa magsisteraka na sina Toni at Alex Gonzaga ang pambebengga sa kanila ng mga bashers, lalo na kung alam nilang hindi naman totoo ang mga ibinabato sa kanila.

Nakachikahan namin si Alex sa launch ng bago niyang endorsement, ang Chef Ayb’s Paragis tea and capsule kamakailan at isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung paano nila hina-handle ni Toni ang pamba-bash sa kanila.

Tinanong si Alex kung nasasaktan ba siya kapag ninenega sa social media ang kanyang Ate, “Hindi, kasi hindi naman nasasaktan ang ate ko, e. Kapag nakita mo ate ko kasi hindi talaga.

“Siguro minsan nasa-shock siya. May mga tao noon, noon pa naman iyon, na-shock siya, ‘Ay nasabi pala sa akin yan!’ Pero hindi naman ako nasasaktan kasi hindi naman siya nagpapakita nang nasasaktan siya,” kuwento ng aktres at content creator.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin pinuna ang vlogs ni Alex Gonzaga: Kinakapos na po talaga sa content

“Kapag naman kasi may isang bagay na hindi totoo, na alam mo naman sa sarili mo ang totoo, hindi ka naman masasaktan.

“Pero siguro mas masasaktan ka kung yung mga iyon ang sinabi sa akin ng ate ko. Mas masasaktan ako kung yung mga (bashers), meron akong relationship.

“Like ikaw ang mam-bash sa akin, o ang mommy ang magalit sa akin, mas masakit iyon sa akin,” aniya pa.

Mas mature na raw siya sa pagharap ng mga challenges sa buhay, “Oo, sobrang mature ko na. Kanina nga nagbabasa kami ng mommy ng economy. Stocks, FOREX! Ha-hahahaha!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Nauna rito, ibinalita rin ni Alex na idinemanda niya isang basher na nagkomento sa social media siya matapos siyang makunan sa anak nila ni Mikee Morada.

“Hindi ako nasaktan, ha, personally po, hindi po ako nasasaktan du’n. Pero parang tingin ko kailangang mag-stop yun, pag sinasabihan ka ng ‘baog,’ sinasabihan ka ng ganu’n.

“Kasi, di ba, po sa gender, very sensitive na tayo ngayon, di ba po? Even sa body shaming. Pero bakit sa babae, pag walang anak, parang very loosely ginagamit yung ‘nalaglag,’ ‘baog,’ di ba?

“Parang dapat we really have to be sensitive about it. Kasi ako, kaya ko, puwede naman, kasi okay naman iyong ano ng doktor ko.

“Pero what if may mga tao na very sensitive talaga sa kanila yung ganu’ng issue, di ba? Yung talagang para sa kanila is…may mga ganun talaga akong kilala na they can’t even talk about it.

“Kapag tatanungin, ko, kasi ako, very casual akong magkuwento. Sila talagang nakikita mong very ano sila, very sensitive about it.

“So naisip ko, dapat we have to be careful na gamitin yung mga words na yun, very loosely nagagamit sa mga kababaihan. Kasi maraming inner struggles ang mga babae na hindi natin alam. Hindi lang for me,” aniya pa.

Kuwento pa ni Alex, pinatawad na raw niya ang naturang basher na nam-bully sa kanya nang mawala ang baby sa kanyang sinapupunan.

“Pinapaayos lang namin yung apology niya. Ngayon, maglalabas na siya, maglalabas na siya ng kanyang statement niya.

“Hindi ito para sa akin na nasaktan ako. But it’s because gusto kong maging conscious na tayo para maging lesson lang na hindi po dapat ginagamit yung salitang ‘baog, nalaglag.’

“Tapos ang reason lang nila is, ‘Kasi po trending, iyon po kasi yung…ngayon po sa digital world, sensitive na ang mga tao. Ayaw na natin yung bullying.

“Pero dito sa parte na ito sa kababaihan, hindi pa masyadong nabibigyan ng pansin. Kaya ko po, nung may nakita akong nagkomento ng ganu’n, pinakausap ko po sa lawyer.”

Kapag humingi na ng paumanhin ang basher, patatawarin ba ni Alex?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pinatawad po namin. Pero kailangan lang niyang maglabas ng apology,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending