Alex Gonzaga senti mode sa throwback pictures nila ni Toni

Alex Gonzaga senti mode sa throwback pictures nila ni Toni: ‘Kahit paano nakapasok sa pag-aartista!!!’

Pauline del Rosario |September 08,2023
facebook
share this

Alex Gonzaga senti mode sa throwback pictures nila ni Toni: ‘Kahit paano nakapasok sa pag-aartista!!!’

Pauline del Rosario - September 08, 2023 - 09:06 AM

Alex Gonzaga senti mode sa throwback pictures nila ni Toni: ‘Kahit paano nakapasok sa pag-aartista!!!’

PHOTO: Instagram/@cathygonzaga

TILA marami ang nanibago sa actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa kanyang recent social media post.

Imbes kasi sa nakasanayan nating makulit at maharot, naging seryoso ang aktres at napa-senti mode pa.

Sa Instagram, ibinandera ni Alex ang throwback selfie nila ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga.

Inalala niya riyan ang mga panahon na nangangarap pa lang sila na pasukin ang showbiz industry upang maging artista.

“Looking at our old pictures and reminiscing the time na wala pa social media,” wika niya sa IG.

Kwento pa niya, “These are your simple Taytay girls using their dad’s film camera for selfie thinking they can have a shot in showbusiness.”

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga hindi mapapagod maghintay na pagkalooban ng sariling anak: One day…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Nag-post din si Alex sa kanyang TikTok account at diyan niya lalong idinetalye ang 20-year-old throwback photo.

Ayon sa vlogger, nasa edad 14 o 15 siya sa litrato, habang ang kanyang ate ay nasa edad 18 o 19 naman.

Kinunan daw ang picture noong nakatira pa lamang sila sa isang apartment sa Taytay, Rizal.

“‘Yung mga panahon na ‘yan, nag-aartista artista na ate ko, nago-audition audition. Tapos feeling namin, ‘you can do it sis!’, ‘susunod naman ako kapag nakuha mo ‘yan’,” chika niya.

Patuloy niya, “So grabe ang fighting spirit at support group namin, ang mommy at daddy namin na gandang-ganda at bilib na bilib sa mga anak nila.”

“‘Yan kami no’n. Tignan niyo; walang kilay [ako]. ‘Yung braces ko, halos tatlong buwan na ata ‘kong ‘di bumabalik sa dentista ko niyan. Ang ate ko naman, [may] mga tigidig sa mukha,” sey pa ni Alex sa TikTok.

Dagdag niya, “Pero talagang naipush namin [ang pangarap namin]. Ibig sabihin niyan, kayang-kaya niyo rin i-push, basta may tiwala kayo sa sarili n’yo.”

Inulit din ni Alex ang kanyang naging caption sa IG na kung saan ay inihayag niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang kapatid.

“You can always glow up and live your dream ano man ang pinagsimulan mo. Love you ate and I am proud how we started as a family [emojis],” lahad ni Alex sa parehong social media account.

@mscathygonzaga Praise God talaga kahit paano nakapasok sa pagaartista!!! 🙏🏼😀 #alexgonzag #fyp #tonigonzaga #foryou ♬ original sound – Alex Gonzaga

Napa-comment naman mismo si Toni sa kanyang post at sinabing, “Nag post partum ka din…[emojis].”

Reply na pabiro naman sa kanya ni Alex, “@celestinegonzaga ang lesson dito, tama [ang naging] desisyon ng mga daddy [na] ikaw muna [ang] pinag-audition hangga’t ‘di pa tumutubo [ang] kilay ko.” 

Taong 2006 nang magsimula sa acting career si Alex kung saan lumabas siya sa Kapamilya comedy program na “Let’s Go!”

Noong 1997 naman nang sumali si Toni sa singing competition na “Metropop Star Search” na umere sa GMA.

Ilan lamang sa kinatampukan ng magkapatid na magkasama ay ang 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry “My Teacher,” pati na rin ang ilan pang MMFF entries na “Mary, Marry Me” at “The ExorSis.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

‘Broken heart’ post ni Julia Montes patikim sa pagsasamahan nilang project ni Alden Richards

Liza Soberano nagparamdam na matapos mabura ang pictures sa IG: Life update soon…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending