Liza Soberano nagparamdam na matapos mabura ang pictures sa IG: Life update soon… | Bandera

Liza Soberano nagparamdam na matapos mabura ang pictures sa IG: Life update soon…

Pauline del Rosario |February 23,2023
facebook
share this

Liza Soberano nagparamdam na matapos mabura ang pictures sa IG: Life update soon…

Pauline del Rosario - February 23, 2023 - 10:30 AM

*BALITA- Remains of 4 passengers of fallen Cessna plane found near Mayon crater - BFAR warning: 8 areas hit by red tide bloom *ENTERTAINMENT - Liza Soberano drops first post after alleged ‘IG hacking’ - Noel Skie (sister of rabies’s ex bf) reacts on Rabiya Mateo’s interview with Boy Abunda - Niana Guerrero is nominated for a Kids’ Choice Award - Marilyn Didal is now engaged - 1-on-1 with Barbie Almalbis - article, video interview - Ariana Grande teases 'Die For You' collaboration with The Weeknd

PHOTO: Instagram/@lizasoberano

HINDI naman pala na-hack ang social media account ng aktres na si Liza Soberano.

Dahil mula nang mawala ang laman ng kanyang Instagram ay nakapag-post na ulit siya.

Mukhang sinadya ng aktres na burahin ang lahat ng kanyang pictures upang makapagsimula ulit o kaya naman ay hudyat ng bagong image ni Liza.

Makikita sa kanyang unang IG post ang ilang screengrab ng tila kuha mula sa ilalabas niyang music video.

Nasa caption pa niya ang ilang linya ng lyrics na tungkol sa isang bulaklak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Bukod diyan ay ibinandera niya rin sa kanyang Instagram Stories ang mga katagang “Life update soon…”

In fairness, kaabang-abang ang magiging pasabog ng aktres tungkol sa tinatahak niyang karera sa ibang bansa.

Kahit ang fans ni Liza tila excited na sa magiging announcement at ang hula nila ay bagong Liza Soberano na ang sasalubong sa kanila.

Narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa:

“Ang taray new era si accla! [red heart emoji]”

“I hope na okay ang lahat. Looking forward sa update mo soon [crying emoji]”

“The poem talks about her current feelings. Na-hacked nga ba talaga or it’s a move to start with a clean slate to show her new image?”

Kung matatandaan ay naging usap-usapan ang pagkawala ng mga pictures ni Liza sa Instagram.

Marami ang nagsasabing na-hack ang account ng aktres dahil nabura ang mga lumang posts kasama ang boyfriend na si Enrique Gil, pati na rin ang profile picture niya.

Naging zero rin ang following ni Liza ngunit nananatili namang 17.6 million pa rin ang kanyang followers.

Matatandaang ang huling chika tungkol kay Liza ay ang selebrasyon ng kaarawan nito last month at ang kanyang desisyon na manirahan sa Los Angeles, California para i-pursue ang kanyang Hollywood dream.

Ito ay inamin niya sa naging interview niya sa vlog ni Patrick Starr, isang Filipino-American beauty brand owner na naka-base sa Amerika.

“Yeah, like, I’ve never officially announced that I’m moving to L.A. That’s just because it is much easier to build my career if I am out here [in Los Angeles] because they are always, constantly, looking for, like, in-person meetings,” lahad ni Liza.

Dagdag pa niya, “I really wanna become an actress, a world-class actress.”

Related chika:

Kiko biglang in-unfollow si Heaven sa IG; binura lahat ng pictures nila together

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#Anyare: Relasyong Bea Alonzo-Dominic Roque pang-Instagram lang?

Kris tuloy na ang pangingibang-bansa para magpagamot; nag-sorry kay Joel Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending