Kiko biglang in-unfollow si Heaven sa IG; binura lahat ng pictures nila together | Bandera

Kiko biglang in-unfollow si Heaven sa IG; binura lahat ng pictures nila together

Therese Arceo |September 02,2021
facebook
share this

Kiko biglang in-unfollow si Heaven sa IG; binura lahat ng pictures nila together

Therese Arceo - September 02, 2021 - 12:55 PM

MULING naging usap-usapan ang magkasintahang sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada matapos i-unfollow ng aktor ang dyowa sa Instagram. Bukod pa rito, nawala na rin ang pictures nilang magkasama.

Recently lang ay nag-trending pa ang photos nila kung saan nagkaroon ng late night road trip ang dalawa bilang selebrasyon ng kanilang third monthsary na naka-post noon sa IG account ng aktor.

Marami tuloy sa mga netizens ang naintriga kung tapos na raw ba ang “trial period” ng dalawa at biglaang naghiwalay ang dalawa.

Dagdag pa ng ilan, ginawa rin daw ito ng aktor nang mag-break sila ng ex-dyowang si Devon Seron.

May mga usap-usapan rin na baka na-hack ang IG account ng aktor kaya biglang nawala ang photos nito at na-unfollow ang girlfriend.

Isang laughing emoji naman ang ipinost ni Heaven sa kaniyang Twitter account sa kabila ng mga bali-balitang naghiwalay na sila.

Nananatili namang tahimik ang kampo ng aktor hinggil sa isyu na ito.

Matatandaan na kamakailan lang nang inamin ng dalawa ang relasyon sa publiko na umani ng batikos mula sa madlang pipol kung saan tinawag nilang “ahas” at “mang-aagaw” si Heaven.

Ito ang naging dahilan para magsalita si Kiko para linawin ang tunay na nangyari at depensahan ang nasasaktang girlfriend.

Bukas ang BANDERA para sa paliwanag nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo sa issue na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending