Kris tuloy na ang pangingibang-bansa para magpagamot; nag-sorry kay Joel Villanueva Bandera

Kris tuloy na ang pangingibang-bansa para magpagamot; nag-sorry kay Joel Villanueva

Reggee Bonoan |March 06,2022
share this

Kris tuloy na ang pangingibang-bansa para magpagamot; nag-sorry kay Joel Villanueva

Reggee Bonoan - March 06, 2022 - 08:08 AM

Kris Aquino

SA latest update ni Kris Aquino ngayong Sabado ng gabi tungkol sa kanyang health condition na ipinost niya sa Instagram ay sinabi niyang paalis na sila patungong ibang bansa in less than two weeks.

Habang kinukunan ng blood samples nasabi ng TV host at aktres, “Alis na kami soon. Tagal ko nang sinasabing aalis na kami, aalis na talaga arrange na.”

Matatandaang nabanggit ni Kris sa huling post niya noong Martes, March 2 na successful ang unang treatment na ginawa sa kanya, ang Xolair injection.

Sabi pa nito na nakayanan niya ang first full dose ng nasabing gamot kaya’t muli siyang magpapahinga para sa second dose niya sa March 13, Sunday at kapag okay na ay lilipad na nga siya kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby at staff.

Ang caption nga ni Kris sa video post niya habang kinukunan ng blood sample ay, “You’ve all been part of my road to better health journey… ayokong may itago sa inyo…

“BECAUSE I’m very GRATEFUL for all your prayers… bago mag next dose ng Xolair about a week from now, (which I am reacting to in a good way) gagawin ko na ‘yung tests requested by my hematologist, who was also our mom’s oncologist, Dr Francis.

“Although wala po akong cancer markers in my blood tests, meron siyang mga gusto pang ma rule out before we leave in less than 2 weeks. 

“Hindi po ako takot sa tests, I prefer to know para kung maaagapan or may treatments, procedures, or solutions – magawa na soonest na walang delay.

“So, this Friday nag YES ako sa Pet Scan, Endoscopy, plus bone marrow biopsy (I was warned 5 days of discomfort after) BECAUSE I have full confidence in my team of doctors: my anesthesiologist, Dr. Jonnel (like before hindi po ako nagbibigay ng last names)… pain management, Dr. Henry (inalagaan na nya ‘ko when I had 3 impacted wisdom teeth surgically removed all in 1 go)… Dr. G, Dr Piano, Dr Katcee, Dr Nikki, Dr Cricket, Dr Hazel, Dr Nick, and sorry I just trusted Dr Francis with the endocrinologist he chose so I didn’t even ask for his name.

“Makulit ako, please also pray for my sisters who worry so much for the ‘baby’ of the family (bunso po kasi), my sons, my trusted friends & my TEAM na talagang walang iwanan.

“God bless you all. Thank you.”

Samantala, humingi ng dispensa si Kris sa kumakandidatong senador na si Joel Villanueva dahil nasaktan daw nito ang damdamin niya.

Aniya, “P.S. Last week I know I hurt Sen @joelvillanueva’s feelings, although it was a private exchange of texts, publicly I’d like to sincerely apologize sobrang napahiya ako dahil sa isang ‘program’ that listed speakers & guests.

“I’m sorry Sen @joelvillanueva, maling-mali ako for questioning your sincerity regarding my brother, Noy- pasensya ka na very protective of his memory- bumabawi kasi sa mga pagka-brat ko sa kanya. #peace #trust respect and #lovelovelove na sana tayo ulit? Para kay Noy? I’m really trying my best to learn #humility na matagal nyang wish for me,” sabi pa ni Kris.

Kaagad namang nagbigay ng suporta ang supporters ni Kris (@krisaquinoworld), “We continue to pray for your healing and recovery the soonest! Thank you for keeping us updated on your health!”

Sumagot si Kris ng, “@krisaquinoworld request can you use yellow hearts (emoji yellow heard). I’m sure gets n’yo na why wag muna red.”

Sumang-ayon naman ang grupo, “@krisaquino sureness madam (emoji tatlong yellow hears).”

At napansin naman ni @hazelevangelistacalayan, “Wow! Unti-unti nang bumabalik ang ganda ng cheek bone, ang glow ng skin sabi sa’yo eh, gagaling ka. Regards to doctor Kuizon and Doctor Lim.and Doctor Basalo.”

Pawang panalangin pa rin ang offers ng followers ni Kris para sa mabilisan niyang paggaling.

Kris may hugot ngayong Father’s Day: Mahirap daw pantayan yung na-provide ko sa 2 anak ko…

Ruby nagdesisyong magtrabaho sa US para sa anak na may sakit: Yung 1 gamot niya P25k na kada buwan

Spine surgery kay Ria Atayde tagumpay: Feeling ko I’m brand new again

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending