'Broken heart' post ni Julia Montes patikim sa pagsasamahan nilang project ni Alden Richards | Bandera

‘Broken heart’ post ni Julia Montes patikim sa pagsasamahan nilang project ni Alden Richards

Reggee Bonoan |April 17,2023
facebook
share this

‘Broken heart’ post ni Julia Montes patikim sa pagsasamahan nilang project ni Alden Richards

Reggee Bonoan - April 17, 2023 - 10:36 PM

'Broken heart' post ni Julia Montes patikim sa pagsasamahan nilang project ni Alden Richards

Alden Richards at Julia Montes

MATUTULOY pa kaya ang sinasabing “dream project” ng GMA Pictures na pagbibidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo?

Sa pagkakaalam namin ay two years ago pa ito ibinalita ng GMA pagkatapos pumirma sa kanila ang dating Kapamilya actress at sa pagkakatanda namin ay gagawin nina Alden at Bea ang Philippine movie adaptation ng Japanese TV drama na “Pure Soul.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang nasabing dream project ay ipo-produce ng GMA Pictures kasama ang Viva Films at APT Entertainment na nagkaroon pa ng pirmahan noong Marso 2, 2021 na before the pandemic pa raw nila ito plano kaya’t natuwa sila dahil nagkapirmahan na.

Hanggang sa ngayon ay wala pang balita sa movie project nina Alden at Bea pero natuloy naman na ang TV series nilang “Start-Up PH” na umere noong Setyembre, 2022.

Anyway, may movie project din kasing gagawin sina Alden at Julia Montes na ipo-produce ng CS Studios at GMA Pictures written and directed by Irene Emma Villamor.

Baka Bet Mo: Alden naghahanap ng girl na may ‘big brain’: Kung ikaw lang ang nag-iisip at dumidiskarte sa relasyon parang solo ka lang din

Sa madaling salita on hold muna ang Alden at Bea dream project ng GMA Pictures, APT Entertainment at Viva Films?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


Going back to Julia ay tungkol siguro sa movie project nila ni Alden ang post niyang broken heart sa kanyang Instagram account na may petsang “4.18.23′ na ibig sabihin, bukas na ito ibabandera ng aktres.

Maraming nanghula kung tungkol saan ang nasabing post ng aktres, kabilang na ang mga fans niya na nag-alala pa sa kalagayan ng kanyang puso.

Pero mas marami ang nanghula na tungkol ito sa bagong project ng Kapamilya actress at baka nga ito na yung proyektong pagsasamahan nila ni Alden.

Knows n’yo ba kung magkano ang unang sweldo ni Alden Richards sa GMA?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng ‘HNY’: Sana makita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya forever!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending