Alex Gonzaga excited nang makita ang pamangkin: Can't wait to meet Paulina! | Bandera

Alex Gonzaga excited nang makita ang pamangkin: Can’t wait to meet Paulina!

Therese Arceo - August 12, 2023 - 08:06 PM

Alex Gonzaga excited nang makita ang pamangkin: Can't wait to meet Paulina!

HINDI na makapaghintay ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga makita ang bagong adisyon sa kanilang pamilya na si Baby Paulina.

Matatandaang kahapon, August 11, ibinahagi ni Paul Soriano na nanganak na ang kanyang asawang si Toni Gonzaga ng isang healthy baby girl at pinangalanan nila itong Paulina Celestine G. Soriano.

Kaya naman hindi maitago ni Alex ang kanyang excitement na makita nang personal ang kanyang pamangkin.

Sa kanyang comment sa IG post ng brother-in-law ay ipinahayag niya ang labis na kasiyahan sa pagdating ng second baby ng kanyang Ate Tin.

“Cant wait to meet paulina!!!! Polly pocket!!!” sey ni Alex.

For sure ay maging ang mga lolo’t lola nitong sina Mommy Pinty at Daddy Pinty ay looking forward nang makita ang apo.

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga nagbirong huwag papasukin ang ‘It’s Showtime’, binatikos ng mga netizens: ‘Banatan sana ni Vice Ganda!’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nasa sinapupunan pa lang ni Toni si Baby Paulina ay ipinakita na ni Alex ang kanyang pagmamahal sa pamangkin.

Sa katunayan, ang bunsong Gonzaga ang naging punong abala sa intimate baby shower ni Toni na inilabas nito sa kanyang vlog.

“I’m so happy for you, sis. Actually they’ve been waiting for their second baby for five years and then when she finally got pregnant, she was so selfless na inisip niya pa ‘yung mararamdaman ko,” pagbabahagi ni Alex sa naganap na baby shower.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “So when they said na they’re pregnant, [sinundan niya ng] ‘You’re gonna be next!’… I’m sure that baby is so loved and so lucky to have you as her parents.”

Related Chika:
Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Gina Alajar nagsalita na tungkol kay Alex Gonzaga: ‘Feeling ko meron naman siyang natutunan sa akin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending