Alex Gonzaga na-trauma raw nang sigaw-sigawan ng 'matandang artista: She's painting me as a bad guy | Bandera

Alex Gonzaga na-trauma raw nang sigaw-sigawan ng ‘matandang artista: She’s painting me as a bad guy

Therese Arceo |December 06,2022
facebook
share this

Alex Gonzaga na-trauma raw nang sigaw-sigawan ng ‘matandang artista: She’s painting me as a bad guy

Therese Arceo - December 06, 2022 - 08:27 PM

Alex Gonzaga na-trauma raw nang sigaw-sigawan ng 'matandang artista: She's painting me as a bad guy

INAMIN ng TV host-vlogger na si Alex Gonzaga na nakaramdam siya ng trauma dahil sa ginawa ng isang matandang artista sa kanya.

Sa kanyang podcast episode sa “Ano Na, Catherine?” ay ibinahagi niya ang engkwentro sa kapwa artista kung saan sinigaw-sigawan siya nito.

“So there was a time, when I was in early 20s, mag-21 ako, I was so traumatized. Pinagsisigawan ako ng isang artistang matanda. Pinagsisigawan talaga niya ako from head to foot, everything,” pagbabaliktanaw ni Alex.

Dagdag pa niya, “Akala niya galing ako sa bahay late lang ako, hindi niya alam na galing ako sa work kasi siguro hindi sinabi sa kanya.”

Sey ni Alex, matapos raw ang ilang taon ay tila siya raw ang lumalabas na masama sa kwento ng nasabing artista.

“And then after how many years, she’s painting me as a bad guy, na deserve ko [masigawan]. ‘Yung pinapanood ko, I think ako yan, pero parang ‘yung kwento ko ang sinasabi niya pero mali ‘yung kwento niya.

“Di ba may mga ganon? May mga tao na who did you wrong or who traumatized you, and then you don’t even talk about it,” pagpapatuloy pa ni Alex.

Aniya, may mga klase raw talaga ng mga taong kapag hinayaan mo lang ay sila pa ang mabait sa kuwento at siya pa ang nagiging masama at nagiging iba raw ang takbo ng kwento.

“So naisip ko, anong kailangan kong gawin kapag ganoon? And then ang daming um-agree… wala [na kong gagawin] kasi alam ko naman ‘yung katotohanan e,” sey pa ni Alex.

Hindi naman na pinangalanan ng bunsong kapatid ni Toni kung sino ang artistang sinigaw-sigawan siya ngunit marami sa mga netizens ang nagsasabing si Dina Bonnevie raw ito.

“Nalate ka sa work dahil may iba kang work? Anong work ang mas mahalaga? Yung sa work na nalate ka or dun sa pinagalingan mong work? Take note na hours kang late. Hindi minuto. If you know your truth dapat kinausap mo si Ms Dina. Tell her apologize. Bawiin niya yung sinabi niya. You’re not mature Alex. You always act for clout,” comment ng isang netizen.

Hirit pa ng isa, “Hindi mo naman sinagot un issue nila sayo na lagi kang late at pinagiintay mo sila. Walang excuse sa pagiging late. Palusot ka pa eh. Kay bahay o work ka galing. Late ka. Basa pa buhok mo. Nakapajama ka pa kung dumating. Un lang naman ang issue nila sayo. Kasi kabastusan naman un. Tapos feeling kolehiya ka pa na nagtatalak ‘coffee ko’, ‘make up ko’. Kaya sinabihan ka sa interview na ang tanso magpanggap man na ginto eh tanso pa din.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Ayon kasi sa naging interview sa beteranang aktres noong 2018, mayroon raw isang artista na nakasama n’ya noon na sa isang teleserye na “attitude” at “feeling reyna” at palaging pinag-aantay ang mga veteran actors.

Wala namang sinabing pangalan si Dina pero sa naging paraan ng pagkukwento ng veteran actress ay marami ang nag-iisip na si Alex ito.

Nagkasama noon ang dalawa sa teleseryen “P.S. I love you” noong 2011 na napanood sa TV 5.

Bukas naman ang BANDERA para sa dalawang kampo upang linawin ang isyung ito.

Related Chika:
Matteo Guidicelli inaming biruan lang ang viral ‘serious talk’ nila ni Alex Gonzaga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex Gonzaga may patutsada sa mga may ayaw sa kanya: That’s okay as long as you still like yourself

Alex may b-day pasabog: Only time I can post this nang ‘di magagalit si mister, pagbigyan na!

Cristy Fermin pinuna ang vlogs ni Alex Gonzaga: Kinakapos na po talaga sa content

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending