Alex Gonzaga may patutsada sa mga may ayaw sa kanya: That's okay as long as you still like yourself | Bandera

Alex Gonzaga may patutsada sa mga may ayaw sa kanya: That’s okay as long as you still like yourself

Therese Arceo |August 12,2022
facebook
share this

Alex Gonzaga may patutsada sa mga may ayaw sa kanya: That’s okay as long as you still like yourself

Therese Arceo - August 12, 2022 - 02:12 PM

Alex Gonzaga may patutsada sa mga may ayaw sa kanya: That's okay as long as you still like yourself

MAY patutsada ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga sa mga taong hindi siya gusto.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi ng asawa ni Mikee Morada na okay lang naman kung hindi siya gusto ng ibang tao.

“Some people won’t like you but that’s okay as long as you still like yourself and the person you can be,” tweet ni Alex noong Miyerkules, Agosto 10.

Kasalukuyang trending at usap-usapan ngayon ang isa sa mga hosts ng “Lunch Out Loud” matapos siyang i-call out ng kanilang guest co-host na si Matteo Guidicelli.

Malinaw naman na nagbibiruan ang dalawa ngunit marami sa mga netizens ang sumang-ayon sa asawa ni Sarah nang pabiro nitong pagsabihan si Alex.

Payo kasi ni Matteo, dapat raw ay tigilan na nito ang pagbibiro at pag-uungkat ng nakaraan biglang pagrespeto na rin sa kanilang mga asawa.

Marami sa mga netizens ang um-agree sa asawa ni Sarah at pinagsabuhan rin si Alex at sinabing hindi lahat ay dapat gawing biro.

May mga nag-ungkat rin sa nangyaring miscarriage ng kapatid ni Toni at ikinumpara ito sa ginagawa niya ngayon.

“u already know the feeling na may nag joke about sa miscarriage mo, tapos pag ikaw na nag joke about sa past okay lang sayo coz it’s funny?” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa sa tweet ni Alex, “So natuwa ka ba nung pinagpyestahan na nalaglag ang baby mo? I am one of those people na hindi natuwa when they joke about it and blame you for that..So learn to respect! Hindi yan gusto ni Lord!”

“To be yourself is not an excuse to something that could hurt people. Lagi niyo yan excuse. Eh ganito ako eh. Pero nkakasakit ka na. So okay parin yan to like that side of your self?” sey naman ng isa.

May mga netizens rin naman na nagtanggol sa kanya.

“Totoo yan Ms. Alex. Basta wala ka naman ginagawang masama sa kanila. Kung ayaw nila sayo, that’s okay meron naman iba. Ang mahalaga maging mabuti tayo sa kapwa. Stay cool,” pang-aalo ng isang netizen.

Dagdag naman ng isa, “Marami kaming nagmamahal sayo ate cath.”

Wala pa namang pahayag si Alex ukol sa isyung kinasasangkutan at hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig sa nangyayari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Matteo Guidicelli pinagsabihan si Alex Gonzaga: Irespeto natin ang mga asawa natin

Bakit biglang nag-resign si Alex Gonzaga sa noontime show ng TV5?

Gonzaga sisters ‘cancelled’ na naman sa mga netizens?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending