Matteo Guidicelli inaming biruan lang ang viral 'serious talk' nila ni Alex Gonzaga | Bandera

Matteo Guidicelli inaming biruan lang ang viral ‘serious talk’ nila ni Alex Gonzaga

Therese Arceo |August 13,2022
facebook
share this

Matteo Guidicelli inaming biruan lang ang viral ‘serious talk’ nila ni Alex Gonzaga

Therese Arceo - August 13, 2022 - 02:26 PM

 Matteo Guidicelli inaming biruan lang ang viral 'serious talk' nila ni Alex Gonzaga

NILINAW ng singer-actor na si Matteo Guidicelli na pawang biruan lang ang nangyari sa kanilang dalawa ni Alex Gonzaga.

Kasalukuyang trending ang kapatid ni Toni Gonzaga matapos mag-viral sa Twitter ang edied clip ng pag-uusap nilang dalawa.

Makikitang sa naturang video na tila seryoso si Matteo nang tawagin ang pansin ng isa sa main hosts na si Alex at kausapin ito patungkol sa kanyang mga biro at pang-aasaar sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tropang LOL (@tropanglol)

“Pinaniganipan ko ‘to kagabi, sabi ko sa sarili ko at nag-pray ako, Alex, tigilan na natin ang pagbiro natin sa mga asawa natin dahil… mga ex na ‘yan, e, tapos na ‘yan,” seryosong saad ni Matteo.

Pagpapatuloy niya, “Maawa naman tayo kay Konsehal at sa asawa ko dahil kagabi umiyak na ako dahil sa ‘yo.”

Hirit pa ni Matteo, “So, Tropang LOL, irespeto natin mga asawa natin at mag-usap na lang tayo tungkol sa…”

Ngunit putol ang video at hindi isinama ang punchline ng aktor kung saan inasar niya si Alex na ang mga kuko na lang nito sa paa ang pag-usapan.

Kaya naman sa panayam ni Matteo sa News5 ay nilinaw niya na katuwaan lamang ang lahat.

“There’s a lot of people that say negative things about her (Alex Gonzaga). I just want to clear the air and everything,” aniya.

Paglilinaw pa ni Matteo, “Tropang LOL is an entertainment show and clips were coming out, naputol siya, without the punchline in the end e… na, ‘Let’s just joke around your toenails, Alex.'”

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang TV host-vlogger dahil naungkat rin ng mga netizens ang tweet nito patungkol sa pagkaayaw ng iba sa isang tao.

“Some people won’t like you but that’s okay as long as you still like yourself and the person you can be,” saad ni Alex sa kanyang tweet.

Iniugnay naman ng mga netizens ang tweet niya sa viral na “serious talk” nila ni Matteo.

Marami sa mga netizens ang tila pinangaralan si Alex at sinabing hindi dapat lahat ay ginagawang biro at dapat ay maging sensitive rin ito sa pakiramdam ng iba.

Bukod doon ay binuhay muli ng mga ito ang nangyari sa TV host kung saan nakunan ito ng anak.

Sey nila, alam na ni Alex ang pakiramdam noong gawing biro ng madlang pipol ang pagkawala ng kanyang anak kaya dapat raw ay alam na nito ang pakiramdam ni Matteo habang binibiro niya ito sa ibang babae gayong may asawa na ito.

Tahimik pa rin naman at wala pang inilalabas na pahayag si Alex ukol sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Matteo Guidicelli pinagsabihan si Alex Gonzaga: Irespeto natin ang mga asawa natin

KC Montero ipinagtanggol si Alex, prank lang daw ang ginawa ni Matteo

Matteo Guidicelli lilipat na sa GMA, magiging host ng ‘Unang Hirit’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending