Mikee swerte kay Paul: Siya ang best partner na nakatapat ko!

Mikee swerte kay Paul: Best partner na nakatapat ko in this lifetime!

Ervin Santiago |April 23,2024
facebook
share this

Mikee swerte kay Paul: Best partner na nakatapat ko in this lifetime!

Ervin Santiago - April 23, 2024 - 07:45 AM

Mikee swerte kay Paul: Best partner na nakatapat ko in this lifetime!

Paul Salas at Mikee Quintos

“BEST partner” kung ituring ng Kapuso actress na si Mikee Quintos ang kanyang boyfriend na si Paul Salas.

Ipinagdarasal at umaasa si Mikee na si Paul na ang huling lalaki sa kanyang buhay at pang-forever na talaga ang kanilang relasyon.

Inamin ng dalaga na may mga pagkakataon ding nagkakaroon sila ng away at tampuhan ng dyowang hunk actor na nagiging challenge sa kanilang pagsasama.

Baka Bet Mo: Mikee Quintos, Paul Salas mas tumitibay ang relasyon habang dumadaan sa mga problema at pagsubok

Noong nagsisimula pa lang ang love story nila ni Paul ay totoong isyu sa kanila ang communication ngunit napag-usapan na nila na kahit anong mangyari ay kailangan lagi pa rin silang magkakampi.

Ayon pa sa Kapuso star, may ina-apply siyang analogy kapag may isyu sila ni Paul.

“Imagine, interrogation table, na magkatapat kayo ng karelasyon mo, every time mag-aaway kayo, nakatapat, you’re laying all your cards, he’s laying all his cards in front of him.

“Pero hindi kayo magkaintindihan kasi ‘yung cards niya nakabaliktad sa ‘yo. Nakaharap sa kaniya,” ang pahayag ni Mikee sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mikee Quintos (@mikee)


In-explain daw niya kay Paul ang “interrogation analogy” para  magkaintindihan sila, “Bakit hindi puwedeng magkatabi tayo sa table, hindi tayo magkatapat, tapos ilatag natin ‘yung cards na nakaharap sa ating dalawa. Tapos, sabay nating ayusin. ‘Yun, ganu’n natin harapin.

“Ever since nu’ng na-adjust namin ‘yun, now, until now, we see every argument or every disagreement as an opportunity to grow together. That’s how we see it now,” pahayag pa ni Mikee.

Baka Bet Mo: Paul Salas na-trauma sa ex-girlfriend, promise kay Mikee Quintos: ‘Gagawin ko lahat para mag-work yung relationship namin’

Dagdag pa ng dalaga, “Parang nandoon ‘yung laging sinasabi nila or the more common thing that people say is lagi kayo dapat magkakampi. ‘Yung ugali niyang panget na hindi mo gusto, pareho niyong haharapin together.”

Isa pa sa pinaniniwalaan nila ni Paul sa isang relasyon ay normal lang na maging emosyonal ang magdyowa kapag may pinagdaraanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nandoon ‘yung inalagaan namin yung feeling na maging magkakampi kami kaya siguro masasabi ko, siya yung best partner na nakatapat ko in this lifetime so far at siya na ‘yung last, hopefully,” pahayag pa ni Mikee.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending